Chapter 37

1.4K 71 19
                                    


Flynn

"Huy Flynn! Nakatulog ka yata?" rinig kong tinig ng isang pamilyar na boses dahilan para mapabalikwas ako ng bangon sa aking kinauupuan.

"Jude!" sambit ko sa pangalan nito nang makilala ko siya ngayon na kung saan ay may hawak-hawak na pamilyar na pang-meryenda.

"Oh, Ice scramble." anito sa akin at iniabot nito ang isang baso ng malamig na kulay pink na flavor na inumin.

"Special 'yan ha. Thirty pesos 'yan kaya ubusin mo." dagdag pa niyang wika dahilan para mapangiti ako sa kanya.

"Thank you." tanging naging tugon ko rito at nakita kong tumango lamang ito sa aking pasasalamat.

Muli kong naalala ang mga tagpo kanina.

Teka, hindi ba't dumating si Dencio ngayon sa park? at parang bigla niyang sinapak si Jude Isaac?

Muli kong ibinalik ang tingin dito sa lalaking katabi ko. Tulad ko ay busy din ito sa paglamutak sa kanyang biniling ice scramble.

Pinakatitigan ko pa siya ng ilang segundo. Ineksamina ko pang mabuti ang mukha nito.

Bakit gano'n? Wala namang bakas miski maliit na sugat dito sa mukha ng kaibigan kong si Jude?

Panaginip lang ba talaga lahat ng iyon?



"Hoy Flynn! Bakit mo ako tinititigan? May bayad yung pagtitig sa akin ha! Bente kada minuto uy!" wika ni Jude sa akin nang mapansin niyang napapatitig ako sa mukha niya.

Dahil sa sinabi nito ay hindi ko naman napigilang mahampas siya sa kanyang braso.

"Ang feeling mo rin 'no?! Hindi kita type!" inis kong sagot lamang dito.

Nakita kong napatawa siya at ang sumunod ay umakto bigla ito na parang nasaktan dahil sa mga sinabi ko sa kanya.

"Ouch! Ang sakit naman no'n! It really hurts ah!"

Hindi ko naman napigilang mapangiti dahil sa kanyang ginawa.

"Ang galing mo talaga, Jude Isaac Montemayor! Pwede ka nang maging artista. pasok ka na sa bahay ni kuya!" natatawa-tawa kong pahayag dito dahilan para mas lalo pa siyang umarte na parang nasa soap opera.

Lihim akong napangiti nang muling manumbalik sa aking isipan ang mga nangyari.

Mali, dahil sa una palang pala ay hindi ito naganap kung kaya't wala akong dapat na ipag-alala.

Akala ko talaga ay halos bugbugin ni Dencio hetong si Jude ngunit hindi pala.

Dahil isang matinding panaginip lang pala ang nangyari nang makumpirma ko rin kay Jude na nakatulog daw pala ako nang iwan niya ako rito sa park kanina.

"Weh? Sure ba talagang wala akong sinabi sayo?" muli kong tanong sa kanya habang kinukulit ko ito.

Gusto ko lamang makumpirma kung wala nga ba talaga akong nabanggit na boyfriend ko na si Dencio gayong napag-usapan namin na ililihim muna namin ang aming relasyong dalawa.

Nakita kong kumunot ang noo nito habang patuloy na nagpakamot sa kanyang sentido

"Ilang beses ka bang in-ere ng nanay mo at napakakulit mo naman, Justin Flynn! Again, wala ka ngang sinabi dahil nang dalhin kita rito sa park e sabi mo no'ng una pipikit ka lang para lumanghap ng hangin pero no'ng ginigising na kita ang nangyari bigla ka na lang nakaidlip!" paliwanag ni Jude at tiyak kong nakatatlong beses na ito na nagpaliwanag sa akin.


The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now