Chapter 45

1.5K 89 39
                                    


Flynn

"Daddy, pwede pu ba hatid natin yung bagu ku pung friend? Nawawala pu kasi siya e. Wawa naman pu siya baka maging palabuy pu siya 'pag di pu nahanap papa niya." tila maluha-luhang turan ng bagong kaibigan ni Mikhaelo sa kanyang ama na ngayon ay maingat siyang ibinaba ng lalaki.


Nakailang lunok ako ng sariling laway habang nakamasid sa di kalayuan na kung saan ineeksaminang mabuti ng lalaki ang batang nasa harapan niya.

Halos mapatakip ako ng sariling bibig nang makita ko na lamang ngayon na lumalapit ito sa aking anak hanggang sa napaluhod ito upang lumebel kay Mikhaelo.

"W-Where's your parents? Why are you... alone?" rinig kong naging tanong nito sa aking anak at para bang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa naging katanungan ng lalaking ito.

Kahit nanginginig man ay maagap kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone. Mabilis kong tinipa ang password ng aking telepono at agad kong hinanap ang pangalan ni Jude dahil siya lang ang bukod tanging makakatulong sa akin ngayon.

"J-Jude, p-please.. answer my call!" naluluha kong saad habang nagpapalinga-linga ako sa kinaroroonan ng aking anak kasama ang lalaking ayaw ko ng makita pa.

Oh Mahabaging santo! Ano ba itong araw na ito? Bakit para yatang sinusumpa ako?

Tang i na! please naman, Jude! I need you now. Nasaan ka na ba? Help me!

Halos atakihin ako sa puso at kapusin ng sariling hininga nang masaksihan ko kung paano na lamang himasin ni Mikhaelo ang mukha ng lalaking nasa harapan niya at tinititigan niya itong mabuti na para bang nananalamin lamang siya.

Akala ko ay heto na ang pinal na mangyayari sa tagpo nilang dalawa ngunit literal na nanghina ang mga tuhod ko nang marinig ang isinambit ng aking anak habang patuloy niya pa ring tinititigan ang mukha ng lalaking kaharap.

"Uhmm.. s-sir, b-bakit para pu yatang magkamukha pu tayu?" rinig kong naging katanungan ng aking anak sa lalaki at dahil sa sinabi nito ay ganun din ang ginawa niya at pinakatitigang mabuti ang aking unico hijo.

Nakita ko kung paano na lamang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Kung kanina ay seryosong-seryoso ito ngunit taliwas na ito ngayon dahil bigla na lamang niyang nginitian ang aking anak na si Mikhaelo.

"W-What is your name, hijo?" Halos mapasentido ako at sabunutan ang sarili kong buhok nang marinig kong tinanong ng lalaki ang pangalan ng anak ko.

Oh Jusko! Parang awa mo na ho. Maaari niyo ho bang patigilan ang oras kahit tatlum-pung segundo lamang para lang mahatak ko ang anak ko at ilayo rito sa lalaking ito?


Nakita kong sumilay ang matatamis na ngiti ng aking anak at bibo nitong sinagot ang katanungan ng lalaking kaharap.

"Hello pu sir! Aku pu si Mikhaelo Kristoff Sa---

Hindi na nagawa pang matapos ni Mikhaelo ang pagpapakilala sa ginoo nang biglang lumitaw ang lalaking kanina ko pa hinihintay.

"Jude Isaac?" nakakunot noong pagkumpirma ng lalaki sa kaibigan ko na kung saan ngayon ay takip-takip ang madaldal na bibig ng aking anak.

Mabilis ang naging pagkilos ni Jude dahil binuhat niya bigla si Mikhaelo habang nakatingin ng seryoso sa kaharap na lalaki.

"Long time no see, Kristoffer Denniz." payak na sabi lamang nito ni Jude habang buhat-buhat nito ang aking anak.

Nakita ko ang tensyon sa kanilang mga mata. Kung hindi pa tinapik ng mahina ni Mikhaelo ang pisngi ng kanyang ninong Jude ay hindi ito titigil sa pagtititigan sa lalaki.

The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now