Chapter 36

1.6K 80 9
                                    


Flynn


BOYFRIEND KO NA SI DENCIO.


Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon dahil agad ko nang sinagot ang kababata ko.


Aarte pa ba ako?


Eh anak na kaya iyon ng Gobernador noh! 


At saka.. higit sa lahat, matagal ko na iyong pinapangarap.


Kaya magpapaka-choosy pa ba ako?


"Mr. Samartino?"


Napabalikwas ako sa aking silya nang marinig kong tawagin na lamang ako ni Mrs. Emelita. Mabilis din akong tumayo upang harapin ko ang ginang.


"Yes po ma'am?" taranta kong tanong sa professor namin nang mapaharap ako rito.


Nakita kong kumunot ang noo nito at ipinakita niya ang hawak-hawak niyang 1/4 index card sa akin, "Nagro-roll call ako hijo."


Halos manliit ako bigla dahil sa inasta ko.


"I'm sorry po." hiyang-hiya kong paumanhid sa aming propesora at wala na akong nagawa kundi mapabalik na lamang ako sa sarili kong silya.



Oh juskolord! Nag-a-attendance pala ito kaya tinawag niya ang apelyido ko. Nakakahiya ka naman, Justin Flynn Samartino!



"Ano ba kasing iniisip mo, Flynn, at bakit lumulutang 'yang isip mo?" rinig kong usisa ng katabi kong si Jude na kung saan ngayon ay nakahalumbaba sa armchair ko.


Umiling lamang ako rito, "Wala. wala naman. Ang chismoso mo talaga, Jude na hindi cute!"


Nakita kong umirap ito dahil sa sinabi ko


"Sows. Parang 'di tayo close ha?! Dali na, Flynn! Bakit ka nga natutulala?" nangungulit pa nitong sabi ngunit nginitian ko lamang siya.


Mamimilit pa muli sana ito sa akin subalit hindi niya na ito nagawa dahil bigla na lamang nagpalabas ng one whole sheet of paper si Mrs. Emelita.


"Mamaya i-chismis mo ha!" rinig ko pang tila seryoso niyang sabi ngunit tanging pagbungisngis lamang ang naisagot ko rito.



Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang pa-long quiz nito ni Mrs. Emelita. Halos 50 items din ang kailangan naming sagutin at mabuti na lang talaga ay 5 questions lang ang enumeration.



"Flynn!" rinig kong pagtawag sa akin ni Jude na sakto lamang para marinig ko.


Tumingin muna ako sa harap upang tignan kung nandoon ba si Mrs. Emelita at hindi nga ako nagkamali dahil naroroon ito ngunit mabuti na lamang ay busy ito sa kanyang telepono.

The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now