Chapter 15

3.7K 182 20
                                    


Flynn

"Ang ganda pala ng condo mo, Dencio." Pagpuri ko sa kanyang condominium nang makaupo ako sa 'di kalakihang sofa habang hinahalo ko ang paborito kong kape upang mainitan ng kaunti ang aking sikmura.

"Thank you sa pag-compliment ng condo ko, Flynn pero kasi mas maganda ka pa rin talaga e." rinig kong sabi nito at nang mapagtanto ko ang mga sinabi niya ay sakto ito upang mapaso ba lamang ang aking labi.

"aww.. ang init." Daing ko nang mapaso ako ng mainit na kape dahilan upang agad ko itong ilapag sa maliit na babasaging mesa.

"What happened?" rinig kong sabi ni Dencio na may pag-aalala sa kanyang tono.

Nakita ko agad ang kanyang presensya dahilan upang mapaangat ang tingin ko sa kanya.

"Masakit ba?" may pag-aalalang tanong nito sa akin nang makalapit siya sa kinaroroonan ko at naramdaman ko na lang na bigla niyang hinawakan ang ibaba ng mukha ko.

Dahil sa ginawa niyang paghawak sa aking ibabang mukha ay awtomatiko akong napatingin sa kanya at nakita ko ring sinalubong niya ang aking mga tingin dahilan upang magtama ang aming mga mata.

Napakapungay at sobrang nakakabighani talaga kapag napapatitig ako sa kanyang kulay tanso na mga mata. Hindi ko alam ngunit para bang nahihipnotismo ako kada mapapatitig ako sa mga mata ni Dencio. Parang nakakalunod at nakakalasing ang kanyang mga titig kada magtatama ang aming mga tingin sa isa't-isa.


"Flynn, are you okay?"

Napatigil ako sa aking ginagawang pag-eksamina sa kanyang mukha nang marinig ko na lamang na tawagin niya ang gamit ang pangalan ko. Nang makita kong sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa ay agad akong lumayo ng kaunti sa kanya upang magkaroon ng espasyo sa aming dalawa.

Shuta! Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawang paglapit ni Dencio sa kinaroroonan ko!

"Masakit pa ba yung paso mo sa bibig, Flynn?" rinig kong tanong pa ni Dencio sa akin kung saan ngayon ay nasa dulo na ito ng sofa.

Mabilis naman akong umiling-iling rito atsaka ako sumagot sa kanya.

"hindi na masakit. Malayo din naman ito sa bituka kaya huwag ka na d'yan mag-alala kasi hindi bagay sayo, Dencio." Biro ko pa sa huli kong sinabi upang mawala ang nararamdaman kong awkwardness para rito sa aking kaibigan.

Nang maisipan kong ibalik ang tingin sa kanya ay nakita ko na lang ang pag-pout nito sa aking harapan na animoy tatlong taong gulang na pinagkaitan upang makapaglaro sa palaruan.

Hindi ko naman napigilan pa ang aking sarili na matawa dahil sa inasta niya.


Shet lang! Ang cute niya lang talaga! kainis!


"Gusto mo bang pumunta ng mall, Flynn? Baka may makita ka na pwede mong mabili roon like mga gamit sa school or personal na pwede mong bilhin." Pag-iiba ng usapan ni Dencio at nakita ko ito na lumapit sa aking pwesto.

Dahil wala naman na akong nararamdamang tensyon o kung ano pa man ay hinayaan ko na lamang siyang lumapit sa akin. Mas binigyan ko ng pansin ang pag-aya niya sa akin na magpunta sa mall atsaka rin ako nag-isip kung ano ang pwedeng mabili roon dahilan upang isipin kong mabuti ang pwede kong bilhin doon.

Ayun tama! Puro mga damit at ibang personal hygiene lang pala ang mga nadala ko dito sa maynila. Kailangan ko palang bumili ng mga gamit o school supplies dahil sa susunod na araw na ang umpisa ng aming klase.

"Ano Flynn sasama ka ba sa akin papuntang mall?" rinig kong tanong sa akin ni Dencio dahilan para mapatango ako sa kanya.

"Oo Dencio sasama ako." Tanging nasabi ko rito at nakita kong pabalik itong tumango sa akin.

The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now