Chapter 29

3.5K 181 21
                                    


Flynn

Halos lumulutang ang isipan ko ngayon habang paulit-ulit na nagre-rewind sa aking utak ang huling mga salitang binitiwan ni Dencio sa akin bago ako magkulong dito ngayon sa banyo.

"Basta ang mahalaga ay alam kong mahal mo ako. Wala ng bawian ha. I love you too, Flynn."

Nang muling manumbalik na naman ang tagpo kanina ay hindi ko na napigilan pang mapatili at tuluyan na akong nagpatalun-talon ng bahagya dahil sa sobrang kilig ko sa mga sinabi ni Dencio.

Shemay talaga! Halos hindi ko na mabilang ang pag-ihi ko dahil literal pa lang mapapaihi ka sa sobra mong kilig. Gano'n pala 'yon at medyo may katotohanan pala na mapapaihi ka talaga.

"Flynn, are you done?"

Halos atakihin ako sa puso nang marinig ko na lamang ang boses ni Dencio na kung saan ay sunud-sunod itong kumatok sa pintuan ng banyo na kung saan ako nagtatagal ngayon.

"Uhmm.. Oo, Dencio! Tapos na ako. Palabas na ako sandali." halos pasigaw kong sabi rito upang marinig niya, at dahil nagmamadali na ako ay mabilis kong kinuha ang tuwalya upang ipampunas aking mukha at buong katawan.

Sinunod kong hanapin ang mga damit ko ngunit napakamot na lamang ako sa aking sentido nang mapagtanto kong sa sobrang pagmamadali ko kanina ay nakalimutan ko nga palang kumuha ng maisusuot ko at tanging tuwalya lamang ang nadala ko rito sa loob ng banyo.

Hay nako naman kasi Flynn! Masyado kasing out of place yang utak mo dahil sa inuna mo ang pagkakilig mo kaysa sa damit mo na isusuot! kaloka!

Napabuga muna ako ng malalim na buntong hininga at para rin akong timang na nagbilang ng tatlong segundo bago ko na tuluyang buksan ang pintuan ng banyo.

"Finally! you're done." rinig kong sabi ni Dencio nang magkaharap kaming muli ngunit gano'n na lamang ang pagkabigla ko nang makita ko ang kanyang kabuuan.

Literal na lumuwa ang mga mata ko at napaawang ang aking bibig nang makita ko ang halos hubad na katawan ni Dencio ngayon sa harapan ko at tanging manipis na tuwalya lamang ang tumatakip sa kanyang kabuaan na nagbigay sa akin ng matinding init.

Jusko! Halos humigit fourty degree celcius yata ang total heat index ngayon at sumasabay sa init ng araw ang pagka-hot nitong lalaking 'to na nasa harap ko ngayon.

"I thought tapos ka ng maligo, Flynn? Pero bakit para yatang kailangan mo ulit maligo?" halos namamaos niyang sabi sa akin dahilan upang ako naman ay mapahawak sa aking namamasang mukha dahil sa pawis na pawis ako ngayon habang nakatitig kay Dencio.

Bago pa ako tuluyang mahipnotismo sa kanyang mga titig at mauhaw sa kanyang nakakaakit na katawan ay lakas loob akong lumayo ng bahagya rito dahilan upang mawala ang tensyong namamagitan sa aming dalawa.

"M-Magbibihis na ako." tanging nasabi ko lamang kay Dencio habang umiiwas ako rito ng tingin dahil mahirap nang malunod sa mga titig nito at baka matuluyan na akong mahulog sa kanyang mga mata.

Lalagpasan ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa pa ang binabalak ko nang maramdaman kong hinawakan niya ang pala-pulsuhan ko dahilan upang matigilan ako at wala na akong nagawa pa nang muli akong mapatingin dito.

"Hindi sapat ang pagbibihis mo para mawala yang init na nararamdaman mo ngayon, Flynn." sambit nito sa akin dahilan upang ako naman ay mangatog na lamang sa harapan niya dahil nakakaramdam ako ng panghihina sa kanyang namamaos na boses na tila ba may taglay itong mahika na nadadala ako ng lubusan.

Halos nanigas ako sa aking pinagkakatayuan nang maramdaman ko na lamang na nailapit niya na pala ang kanyang mukha sa akin dahilan upang ilang sentimetro na lang ang layo ng aming mga mukha sa isa't-isa.

The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now