Chapter 22

3.2K 196 63
                                    


Flynn

"The Pythagorean theorem states that In a right-angled triangle, the square of the hypotenuse side is equal to the sum of squares of the other two sides.“ pagpapalinawag ng instructor namin sa asignaturang geometry kung saan ito ang huli naming subject ngayong araw.

Kahit na medyo hindi ako masyadong nakatutok sa pagtuturo ng guro na nasa harap namin dahil na rin sa lumilipad ang utak ko ngayon ay tanging pagtangu-tango lamang ang nagawa ko upang ipagbigay-alam alam na nakikinig ako kunware sa lesson niya.

Masyadong okupado ang isipan ko ngayon dahil sa mga nangyari kagabi lalo na sa mga nabasa kong mensahe sa pagitan nina Dencio at Rianne.

Iniba ko ang direksyon ng aking mga tingin patungo sa nasa harapan ko sa may gilid kung saan naroroon ang babaeng kinaiinggitan ko habang naka-focus siya sa instructor namin. Si Rianne.

Malalim akong napabuntong hininga habang nakatingin sa dalaga dahil nakakaramdam ako ng insecurities sa kanya.

Maganda siya. Center of attraction in a good way. Sa tingin ko ay matalino rin siya. Almost perfect na talaga siya.

Walang duda. kaya baliw na baliw siguro sa kanya si Dencio.

"That is our lesson for today. Class dismissed." rinig kong sabi ng aming instructor dahilan upang muli kong ibalik ang tingin ko rito.

Magalang ang bawat isa na nagpaalam sa aming instructor at nang makaalis na ito ay doon na ako nagsimulang magligpit ng aking mga gamit.

Agad kong isinukbit ang aking bag sa aking balikat ng handa na ako upang umalis ng aming classroom.

Papalabas na ako ng aming kwarto nang makita ko na lamang sa bintana si Dencio na nakatayo sa labas ng aming classroom at nakapamulsa pa ito na tila may hinihintay.

Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanya dahil sa naisip kong baka ako ang hinihintay niya ngayon at baka rin ay ayain ako nitong kumain sa labas.

"D-Dencio---

Hindi ko na naituloy pa ang sana'y pagtawag ko sa pangalan niya nang makita ko na lamang ang paglapit ng isang dalaga sa harapan ni Dencio dahilan para magkaharap silang dalawa.

Nang makilala ko ang umeksenang babae ay napaatras na lamang ako ng bahagya dahil sa nakita kong masaya ang mukha nito habang kausap ang kaibigan ko.

Si Rianne.

Dahil sa ayaw kong makita nila ako ay agad akong tumingin sa ibaba upang hindi nila ako makilala.

Kahit kabado man ako dahil sa hindi malamang kadahilanan ay nanatili ako sa aking pagyuko, at habang nakatingin ako sa ibaba ay nagdarasal ako ngayon na sana'y hindi nila mapansin ang pag-iwas ko sa kanilang dalawa.

Napapikit na lamang ako ng aking mga mata nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko dahilan para unti-unti akong mapaangat ng tingin at hinanap kung sino man ang walang hiyang nagsambit ng pangalan ko.

"Ikaw Flynn ha! Akala mo matataguan mo ako? May payuko-yuko ka pa d'yan bessy eh kilalang-kilala ko miski dulo ng daliri mo!" natatawang sabi lamang nitong hinayupak na lalaking 'to nang makalapit siya sa akin.

Imbes na gumanti ako ng pagtawa dahil sa mga sinabi niya ay napairap lamang ako sa harap niya.

Kahit kailan talaga ay medyo wrong timing 'tong si Jude! Kainis!

Napadako ang tingin ko sa gawi nila Dencio dahilan upang makita ko siya na kung saan ay nakalingon din ito sa pwesto namin ngayon habang walang emosyon itong nakatingin sa aming dalawa ni Jude.

The Governor's Son [BxB] ✓Where stories live. Discover now