Chapter 18

2.8K 164 28
                                    


Flynn


Dali-dali akong nagising nang marinig kong tumunog ang alarm ng aking telepono hudyat na heto na ang unang araw ng aming pasukan.


Napangiwi ako nang maramdaman kong sumakit bigla ang ulo ko dahil nga sa hindi ako masyadong nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kaninang madaling araw.


"Alas-siyete na pala." Mahinang sambit ko nang makita ko sa screen ng aking cellphone ang oras ngayong umaga.


Ngayon ang unang araw ng aming pasukan sa Walton University.


"Ahh sh*t!"


Nagising ako ng tuluyan at na-alarma ako sa pamilyar na boses na dumaing na sa tingin ko ay parang nasaktan ito.


"Dencio?" mahinang sambit ko sa aking sarili nang makilala ko ang boses dahilan upang mapatayo ako sa higaan at agad na nagtungo palabas kung saan nanggaling ang boses.


Dahil sakto lamang ang laki ng condo ni Dencio ay hindi ako nahirapan sa paghahanap sa kanya kung saan ngayon ay nasa kusina ito at nakita kong hawak-hawak niya ang kanyang isang kamay dahilan para lapitan ko ang kinaroroonan niya.


"Anong nangyari d'yan sa kamay mo?" nag-aalala kong tanong dito nang makita ko nang malapitan ang kanyang kamay na namumula ng sobra.


"Hindi ko alam na mainit na pala yung mantika na sinasalang ko kanina ayon natalsikan bigla yung kamay ko." Paliwag ni Dencio sa nangyari kanina.


"Mayroon ka bang gamot na pwedeng ipampahid d'yan sa napaso mong kamay?" tanong ko pa rito dahil medyo namumula pa rin ang kanyang kamay.


Nakita kong tumango ito sa akin, "Yeah. May first aid kit ako roon sa drawer ng cabinet ko." Pagpapaalam nito sa akin.


Tumango naman ako sa mga sinabi niya atsaka ako nagpaalam rito upang kunin ang sinasabi niyang first aid kit.


Inisa-isa ko ang drawer ng kanyang cabinet upang hanapin ko kung nasaan ba niya nilagay ang kanyang first aid kit. Nang makarating ako sa pinakababang drawer kung saan ay nakita ko ang box ng medical kit na sinasabi ni Dencio ay agad ko itong kinuha ngunit natigilan na lamang ako bigla nang may mahagip ang mga mata ko na isang bagay na siyang dahilan nang pagkapula ng aking mukha.


"Nakita mo na ba yung medical kit, Flynn?" rinig kong sabi ni Dencio na ngayon ay naramdaman kong nasa likuran ko na ito dahilan upang mabilis kong isara ang drawer at agad na tumayo bitbit ang first aid kit niya.


"Oo nandito na, Dencio nahanap ko na." pagbibigay-alam ko rito atsaka ako nagtungo sa kinaroroonan niya.


Nang mabuksan ko ang medical kit niya ay agad kong hinanap ang ointment na kung saan ay pamahid para sa napasong balat. Hindi rin nagtagal ay pinaupo ko na siya sa kanyang kama upang umpisahan ko nang gamutin ang kanyang napasong kamay.

The Governor's Son [BxB] ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz