1 - How it all started?

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dominador, anak!"

"Muder, ang baho ng name ko. Dominique nalang please..."

"Dominador, anak..."

"Nak ng tokwis naman Nay! Ano po ba yun? Quotang-quota na sa Dominador?"

"Kasi anak, Dominador—"

"Nay!"

"Anak, manghihingi lang sana ako ng pambili ng bigas natin. Dadating na ang mga kapatid mo eh wala pa tayong sinaing."

Napa-face palm nalang ako kay Nanay sabay abot ng singkwenta pesos sa kanya.

"Nak dalawang kilo na sana isasaing ko, kulang kasi sa mga kapatid mo ang isang kilo," pahabol pa ni Nanay.

"O ayan!" mabigat man sa loob at sa bulsa ay ibinigay ko na rin ang isandaan.

"Salamat anak ha! Maaasahan ka talaga!"

"Opo 'Nay, akin na yung singkwenta. Baka nagkakalimutan tayo."

Matapos ibigay ni mudrakels ang singkwenta pesos at halikan ako ng goodbye sa noo at ibless ng good life and healthy skin ay gumora na talaga ako nang tuluyan.

"Haaay, mabuti na rin 'to noh. Atleast wala ng mambubugbog saken every hour every minute. Wala na rin kong maririnig na tatawag saken sa nakakadiring pangalan na yun. Tss. San kaya napulot ni muder yung mabahong name na yun! Dominador? Ang eeew-eeew kaya!"

"HOY DOMINADOR!"

"O? BAKET? TANGNA, AYAW TALAGA TIGILAN!"

Nilingon ko si Kuya Denver.

See, pagdating sa kanya kaganda-ganda ng pangalan.

Aish. Ang unfair lang talaga!

"Life is soooo unfair---aray!" napakamot ako sa ulo kong di nakaligtas sa batok ni Kuya.

"Ano na namang drama 'to?"

"Lalayas na ko kuya, magdiwang ka na."

"Talaga? Papa-fireworks na ba ko?"

Psh. Sabi na nga ba eh.

"Wala na talagang nagmamahal sa akin dito! Pera ko lang minamahal niyo. Pera ko lang!

"Tanga! Mahal ka namin, 'di lang halata."

Naguluhan naman ako sa sinabi ni Kuya.

"HA?"

"Hindi ka lang bakla no? Bingi ka din eh, palinis mo 'yang tenga mo pag may time. Ang sabi ko mahal ka namin, lalo na ako, pero hindi nga lang halata hehe."

"Psh, mahal daw? Bakit papa-fireworks ka kamo nung nalamang lalayas na ang beauty ko?!"

"Bopols! Syempre, papa-fireworks kasi sa wakas naisip mo rin yan. Naisip mo rin na mamuhay nang mag-isa. Sa tinagal-tagal ng pambubugbog ni Tatay—"

"Para namang hindi ka rin nakikisali sa pangre-wrestling saken," pagputol ko sa kanya.

"Patapusin mo nga muna ako, sasapukin kita dyan eh."

"Sabi ko nga tatahimik nalang ako. Amp."

"Oo, inaamin ko nakikisali rin ako sa pananakit sayo. Pero hindi ko ginagawa yun dahil galit ako sayo o sa kabaklaan mo. Ginagawa ko yun, para naman magising ka dyan sa kamartiran mo at maisipan mo ng umalis sa bahay na yun at mamuhay nalang ng tahimik."

Naramdaman ko ang pagpatak ng isang luha mula sa aking mata dahil sa sinabing iyon ni Kuya.

"Pero bago ka umalis, pautang muna ako ng 150 pambili ko lang ng isang kahang yosi."

Umurong bigla ang luha ko sa pangungutang ni Kuya Denver, "Mahal mo nga ko no, Kuya? Hehe..."

"Sige na 'to naman, last na 'to oh!"

"Bakit 150, isandaan lang isang kaha ng yosi mo."

"Syempre candy tsaka softdrinks, 'to tanga."

"Sweet talaga ng Kuya ko, oh eto pakabusog ka sa yosi!" muli, mabigat man sa loob at sa bulsa ay pilit ko pa ring binigay ang isandaan at ang singkwenta pesos na pilit kong kinuha kay mudra kanina.


"OMG! San naman kaya ako pupunta? eh ni isa sa mga tita ko, ayaw akong patuluyin sa kanila."

"Pasensya ka na Dom ha, magagalit ang mga pinsan mo eh."

"Masyado na kasing masikip dito samin."

"Wala kaming ipapakain sayo."

Tss. Sa luwag ng bahay niyo, kasya pa nga ata ang tatlong bayawak! At excuse me, hindi naman ako magiging palamunin noh! may trabaho kaya ako!

Haay, ang buhay nga naman.

Sariling kamag-anak mo na, pinagdadamutan ka pa.

Ang ending, sa park tuloy ang bagsak ko.

"Lord... tulungan Niyo naman po ako. send me an angel..." pag-eemote ko habang nakatingala sa langit.

"...yung poging anghel po ha. as in Guardian Ange—OUCH!"

Tss, imbyernang babaeng 'to. Panira sa pag-eemote ko.

At anyare? Bakit tulaley na siya habang nakanganga? Insekyora na naman ba sa kagandahan ko? Hays, iba na talaga ang isang oh-so-hot-gorgeous girl na tulad ko.

"Sorry po, kuya nasaktan ka ba?"

HUWAT? KUYA?!

Ewwww! Mas mukha pa kaya siyang matanda saken.

"Demoiselle!"

Napansin kong parang nataranta siya nang may sumigaw ng demo...ano daw? 'Yun ba ang pangalan niya? Ang eewy ha!

"Patay! umoo ka na lang kuya ha? promise, iti-treat kita sa starbucks ng kape."

Malditang 'to, pinagmuka pa kong pulubi. Kaya kong bumili kahit sampung kape sa Starbucks noh! Sabunutan kita dyan eh!

"Demoiselle!"

"Ayan na malapit na siya! One, two, three acting!"

Ha? Pinagsasabi nito? Baka akala niya artista ako at shooting 'to. At cinareer niya nga ang acting ha. Bigla ba namang lumuhod sa harap ko at inextend ang dalawang kamay. Tss, ano kayang natira nitong babaitang 'to?

"MARRY ME!" aba, loka 'to! Kaya pala naka-extend ang pangit niyang mga kamay eh nagpi-feeling mag-propose! Eew, 'di tayo talo noh!

"I LOVE YOU! PLEASE MARRY ME!"

Baboy nito, kadiri! Nasusuka ako sa pinagsasabi mong bruha ka!

"Beki ako," tugon ko.




"Then marry me, Beki..."


Marry Me, Beki! #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon