Epilogue

59 4 2
                                    

A/N: Wakas of FALLEN. Salamat sa mga nag basa! I'll see you next on FATED, 3rd and last installment of Ford's siblings. Lyanna's Story. Happy New year everyone!

Akihiro's POV

"Angelus, may pagpupulong sa bulwagan mamaya bago sumapit ang ika-apat na tunog ng trumpeta. Lahat ay dapat doon mag tungo." Sabi ni Esther.

Tulad ko ay isa din itong Anghel ng mga bituin. Mas matagal nga lang ako sa pagiging Anghel kumpara sa kaniya.

Inalis ko ang tingin sa ibaba kung saan tanaw ang galaw ng bawat tao sa lupa saka nilingon si Esther at ngumiti.

"Oo. Mag tutungo ako doon." Sagot ko.

"Kamusta na ang binabantayan mo?" Tanong nito saka lumapit sa akin. Muli kong ibinalika ang tingin sa lupa. Napaka sayang pagmasdan ng mga tao. May kani-kaniya silang ginagawa pero hindi maikakaila na marami man sa kanila ang naka kunot ang noo sa ginagawa ay naglalaho naman tuwing may makakasalamuha na ibang tao.

"Pumanaw na siya, Esther. Nakaka lungkot man na isipin pero kinuha na siya ng Panginoon." Sabi ko. Biglaan man ang pagkawala ng binabantayan ko para sa mga tao, nasisiguro kong naka sulat sa tadhana nito na iyon ang magiging kapalaran niya. "Kinuha na si Lee ng Panginoon.."

Anghel man na maituturing ay hindi namin kailanman nalalaman ang kapalaran ng isang tao. Tanging ang Panginoon laman ang may hawak niyon at ang pag babantay lamang sa kanila ang tangi naming gawain.

"I want this pain to stop. Please, make it stop. Please.. Take this pain away.."

Wala sa loob kong naibaba ang tingin sa lupa ng marinig ang bulong na iyon. Punong puno ng lungkot at hindi maipaliwanag na sakit ang boses na iyon. Para bang pagod na pagod na ito at ang tanging ninanais na lang ay ang matapos ang kalungkutan na nararamdaman niya.

Isa sa kahinaan ng bawat Anghel na katulad ko ang pag tulo ng luha ng mga tao. Hindi ko ang alam ang pakiramdam ng lungkot at sakit dahil dito sa kalangitan ay wala niyon pero alam namin kung paanong aalisin ang lungkot sa puso ng mga tao.

At iyon ang trabahong ibinigay sa akin matapos ang pagpupulong sa bulwagan.

"Ikaw ang mag babantay sa kaniya..." Sabi ni Ramon saka ipinakita sa akin ang taong babantayan ko.

Namilog ang mga mata ko ng makita ang taong iyon.

Hindi ko akalain na ang boses ng babaeng narinig kong humihiling sa mga bituin ay ang magdadala sa akin sa kakaibang mundo ng mga tao.

"Mababangga siya!" Natataranta kong sabi saka mabilis na ibinuka ang mga pakpak upang iligtas ang babae ngunit mabilis akong hinarang ni Esther.

Ngumiti ito.

"Hangga't wala ang gintong gabay ay hindi mapapahamak ang binabantayan mo." Sabi nito.

Natigilan ako.

Wala nga ang gintong gabay. At nasisiguro kong hindi nga mapapahamak ng sobra ang binabantayan ko.

Binitawan ako ni Esther saka naka ngiting ibinaba ang tingin sa lupa. Ginawa kong signal iyon para tuluyang babain ang binabantayan ko.

Naka subsob ito sa loob ng kaniyang sasakyan at tila ba mawawalan na ng ulirat.

Natigilan ako ng mapagmasdan ang maamo nitong mukha.

Napaka ganda niya...

Mas lalo akong natigilan ng mag tama ang paningin naming dalawa. Nanghihina niya akong tinitigan.

FALLEN ✔Where stories live. Discover now