Chapter 9: Full Package

84 4 0
                                    

"Ayokong makipag meeting kapag gutom ang ka-meeting ko..." Sabi nito.

Seryoso ba siya?

Tinitigan ako nito na para bang sa paraang iyon ay malaman kong hindi siya nag bibiro sa sinasabi niyang kumain ako.

"Eat.." Sabi nito.

Nakagat ko ang ibabang labi saka pinagmasdan ang mga naka hain sa harap ko.

"Uh.. Sir-" Mabilis akong tumayo saka hinawakan ang kamay nito.

Ramdam ko ang gulat nito saka ako nilingon at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa kamay niya.

Natauhan ako at agad na bumitiw.

"Sorry.. Uhm.."

Bumuntong hininga ito. "What is it, Ms. Ford?"

Muli kong pinagmasdan ang mga pagkain saka tumingin dito.

"Eat.." Hinawakan nito ang balikat saka ako muling inupo bumalik ito sa kinauupuan habang ako naman ay naiwan doon habang tulala sa pagkain.

Sh*t! What is happening to me? Why am I feel so nervous?!

"What now? I told you to eat." Rinig kong sabi nito na hindi ako nililingon.

"Uhmm.. Sir, Hindi kasi ako sanay ng.. wala akong kasabay kumain.." Nahihiya kong sabi. Tumigil ito sa pag titipa.

Sh*t! Masyado na ba akong demanding?

Totoo naman na Hindi ako sanay kumain mag isa. Hindi ako satisfied. Hindi ako nabubusog. Malungkot ako. Madalas kasi ay si Criza ang kasama kong kumain dahil pareho kami ng pananaw sa buhay.

"Uhmm.. Sorry, sir. Kakain na po ako." Yun lang at kumuha na ako ng pagkain.

Agad kong sinundan ng tingin ng tumayo si Aki saka naupo sa harap ko para saluhan akong kumain.

Bumuntong hininga pa ito saka nag simulang kumain.

Hindi ko napigilan mapa tingin dito na ngayon ay tahimik na ngumunguya. Nagtama ang paningin namin kaya nataranta ang buong sistema ko. Mabilis akong sumubo ng pagkain saka iyon nahihiyang nginuya.

"Thank you, sir." Sabi ko ng matapos akong kumain. Nakatanaw lang ito sa view ng veranda habang nananatiling naka upo sa harap ko. Hindi ito umalis hangga't hindi ako natatapos kumain.

At nakaka hiya man ay napaka bagal kong lumamon! Hindi ko magawang bilisan dahil naiilang talaga ako.

What the heck, Leigh! Asan na ba ang kapal ng mukha ko? Masyado akong tumitiklop sa boss ko.

Gusto ko tuloy sapakin ang sarili ko dahil hindi naman nakaka takot ang awra nito. Hindi nakaka intimidate. Sa katunayan ay naghuhumiyaw sa kabaitan ang awra nito. Napaka amo at halatang mabait sa bawat makaka salamuha.

Aayusin ko sana ang mga ginamit na plato ng pumasok sa loob si Yves. Dumiretso ito sa akin saka naka ngiting kinuha ang mga pinagkainan namin.

"Uhm.. Pasensya na. Nasayang ko yata yung oras mo.." Sabi ko saka umayos ng tayo.

"Yeah.." Sabi nito saka tumingin sa relo.

Nabigla ako sa pag sang-ayon nito.

Grabe! Hindi man lang nag sinungaling ng konti!

Bigla naman itong tumingin sa akin.

"N-no.. What I mean is, may appointment ako sa ibang client ng ganitong oras." Sabi nito. Nag iwas ako ng tingin.

"I'm sorry.."

"But I already canceled it." Muli akong tumingin dito.

Ano daw?! Sh*t! This is your fault, Leigh!

FALLEN ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя