Chapter 2: Brokenness

105 4 1
                                    

Muling bumagsak ang luha sa mga mata ko ng mahawakan ko ang puntod nito.

'Lee Dwayne Zaito'

Seeing his name on the tomb broke my heart into pieces. Its been four years pero parang kahapon lang.

"I'm sorry.. Ngayon lang ako naka bisita ulit. Busy lang sa shop.." Sabi ko.

Four.. Freaking.. Years.

I was done crying but the pain and sadness are still here. Akala ko nga ay hindi na ako ulit iiyak. Akala ko ay tapos na ang pag luluksa ko, hindi pa pala.

It's still hurt.

Nandito parin yung sakit.

If I knew he was gone, I should have cherished my last moment with him. But now he was gone, the man I love was gone.

"I miss you so much.." Sabi ko saka tuluyang humagulgol. "I.. Still.. Love you."

Naiyuko ko ang ulo saka hinayaang lumakas ang pag iyak ko.

Para akong loka loka na naka salampak sa damuhan na iyon. Pakiramdam ko ay ilang taon akong hindi umiyak dahil kahit anong pigil kong hindi umiyak ng ilang taon ay namumuo lang lahat ng sakit ng pagkawala niya.

Bumabalik lahat sa alaala ko ang pag ngiti niya sa akin at pag hawak sa mga kamay ko. Hindi ko makalimutan bawat detalye, maging ang unang araw na pag kikita namin. Tandang tanda ko lahat.

Hindi ko nga naranasan maiyak dahil nasaktan niya ako. Mapa iyak man niya ako, yun ay dahil sa kasiyahan. At kung nandito siya kasama ko paniguradong hindi niya hahayaan makita akong umiiyak.

"Umiiyak ako ngayon.. Hindi mo ba ako pupuntahan para patigilin ako sa pag iyak? O hindi mo ba ako pupuntahan para samahan ako na sugurin ang nanakit sa akin?" Umiiyak kong sabi kasabay ng pag haplos ko sa puntod nito.

"Nasasaktan ako ngayon.. Wala ka bang gagawin para mawala 'tong sakit na 'to?"

Muli kong pinasadahan ang pangalan nito sa puntod gamit ang daliri ko.

"Hindi ka na ba talaga babalik? Kasi nag aantay ako.. Hanggang ngayon kasi hindi ko matanggap na talagang iniwan mo na ako.."

Naiyuko ko ang ulo saka marahas na pinunasan ang luha.

"Ang daya mo! Hindi ka marunong tumupad ng pangako." Sabi ko.

Muli kong pinunasan ng marahas ang pisngi ko.

"Anong sabi mo? Hindi mo ko iiwan?!" Humahagulgol kong sigaw. Ramdam kong malapit na akong mapaos dahil sa pag sigaw at pag hagulgol ko ng iyak.

"Eh bakit wala ka ngayon?! Ha?! Nasan ka?! Bakit wala ka ngayon sa tabi ko?!" Muli kong sigaw.

Tiningala ko ang kalangitan saka muling binalik ang tingin sa puntod.

"Gago ka eh, 'no? Mangangako ka tapos hindi mo tutuparin?!" Sigaw ko. "Tapos ako naman 'tong si Gago, eh naniwala sayo!"

Dinuro ko ang puntod nito.

"Puch* naman, Lee! Ang sakit! Hanggang ngayon ang sakit parin! Nawala ka nga at kasabay ng pagkawala mo eh yung sakit dito sa puso ko!" Sigaw ko. "Dito! Sa puso ko!" Dinuro ko ang sariling puso.

"Umalis ka tapos dinala mo pati puso ko!"

Muli kong tiningala ang langit.

Makulimlim.

Nagbabadiya ang malakas na ulan.

Muling nanariwa sa akin ang alaala ng una naming pagkikita.

Pinagmasdan kong muli ang puntod saka muling humagulgol.

FALLEN ✔Where stories live. Discover now