Chapter 10: Aura

76 4 1
                                    

Tahimik akong nilapitan ni Amie saka sinabihan akong dumating na ang pina order kong pagkain.

"Salamat, Amie.." Ngumiti ako saka bumaling kay Aki na seryosong pinagmamasdan ang mga magazine na puno ng pictures na ako ang photographer.

Lumapit ako dito.

"Uhm.. Doon tayo sa office ko. I prepare a  dinner." Sabi ko dito ng naka ngiti.

Mataman ako nitong pinagmasdan.

"I'm fine. Hindi ka na dapat-"

"But, I want to.." Naka ngiti ko paring sabi. Sa tingin ko ay gumaan ang loob ko sa kanya dahil sa kabutihan niyang pinakita sa akin. Sa sobrang bait niya ay hindi ko magawang biruin siya gaya ng normal kong ginagawa sa mga taong nakaka salamuha ko.

I guess, Aki is an exception.

Wala itong nagawa ng hilain ko papasok ng office. Inayos ko ang uupuan nito saka inihain ang pagkain dito.

Naka kunot ang noo nito ng makita ang pagkain.

"You don't like it?" Tanong ko. "I'm sorry, hindi ka ba nakain ng sinigang? Magpapa order na lang ako ng iba-"

"No. It's fine." Sabi nito.

"This is my favorite. Sinigang. Gusto ko kasi ng mga pagkain na may sabaw. Lalo na ito. Gustong gusto kong naaasiman." Sabi ko. "Try it!"

Dinampot nito ang kutsara saka tinikman ang sabaw ng sinigang.

Hindi ko napigilan ang malakas na pag tawa ng maipikit nito ang mga mata dahil sa asim ng sinigang.

"Oh My gosh! How is it?" Tanong ko dito saka ito inabutan ng tissue.

Muli nitong naipikit ang mga mata saka ngumiti.

"Masarap." Saka ito muling tumikim this time ay hinalo na nito sa kanin.

"First time mo?" Tanong ko. Nag simula na rin akong kumain at hindi talaga ako nabibigo sa mga ganitong klase ng pagkain lalo na at sa restaurant ni Chase iyon galing. Solid talaga at Worth it ang presyo.

"Yeah. Wala nasi nito sa lang- I mean, I haven't tried this before." Sabi nito.

Naka ngiti akong tumango.

"So, nagustuhan mo?" Tanong ko.

Tinitigan ako nito saka dinampot ang tissue. Naestatwa ako ng punasan nito ang mga labi ko.

Sandali kaming nagka titigan.

Wait. Parang bumagal ang oras? Bumagal ba? Parang nag slow motion ang lahat. What's happening?!

"Good evening- Ay! Sorry!" Sigaw ni Criza. Mabilis akong napa lingon sa may pintuan. Gulat itong tumingin sa akin, lumipat kay Aki at sa kamay nitong naka hawak sa tissue at naka lapit sa labi ko.

"Sorry! Wala kasi si Amie pag pasok ko akala ko ikaw lang ang nandito.. Hehe.. Nasa CR yata si Amie. Go lang! Tuloy niyo lang. I'm so sorry!" Nag peace sign ito saka sinarado ang pinto.

Naiwan akong nag iinit ang pisngi dahil paniguradong uusisain na naman ako ng Criza na 'yon tungkol kay Aki.

Nilingon ko si Aki saka ngumiti. Naka titig ito sa akin.

"Pasensya ka na. Siya nga pala yung kaibigan ko. Si Criza. Sorry, Nabigla lang 'yon." Sabi ko. "Kain ka pa.."

Tumango ito saka inubos ang pagkain. Hindi ko mapigilan mapa ngiti sa tuwing aasim ang mukha nito kapag nahigop ng sabaw.

Ang unfair talaga! Kahit umaasim na yung mukha niya eh ang pogi parin! Tsk! What a face! Grabe, pwede ko na siyang ilagay sa Dictionary dahil siya ang makakapag bigay ng justice sa word na 'perfection' Like, May mali ba kahit konti sa mukha niya? Kahit konting pores? Feeling ko talaga, Wala!

FALLEN ✔Where stories live. Discover now