Chapter 25: Losing Myself

48 4 1
                                    

"Dito ka na muna sa akin. Tumawag na ako ng mga tao na mag aayos ng unit mo. Delikado doon sa dami ng basag na salamin." Sabi nito saka kinuyom ang mga kamay.

Nanatili akong naka yuko. Naka upo ako sa sofa nito at hindi na gumalaw pa, pakiramdam ko ay nanghihina ang buong pagkatao ko sa nangyari sa akin.

"For the mean time, hindi ka pwedeng umalis sa tabi ko." Sabi nito.

Nag angat ako ng tingin.

"My parents.. Did you call them?" Tanong ko. Naupo si Aki sa harapan ko saka hinawakan ang mga kamay ko.

Bumuntong hininga ito saka umiling. Tinakpan ko ang mukha ng palad saka ako napa hagulgol.

"What is this sh*t all about?! Wala akong sinaktan! Damn it!" Sigaw ko.

"Hey! Hey!" Mahinahon na sabi ni Aki saka inalis ang kamay ko sa mukha. "Calm down. You don't-"

"Calm down?! You want me to calm down?! How can I calm down if someone wants me to die?!" Sigaw ko. Naipikit nito ng mariin ang mga mata dahil sa sigaw kong iyon.

"Okay. I'm sorry." Mahinahon na sabi ni Aki saka hinaplos ang pisngi ko. "I'll stay here okay? I'll stay with you. I'll make sure na hindi na ito mauulit. I promise." Pinunasan nito ang luha sa mga mata ko. Tinitigan ko ito saka parang bata na tumango.

Ngumiti ito saka ako niyakap.

"I promise you I won't let anyone hurt you.." Tinitigan ako nito sa paraan na nangangako talaga. "Can you trust me?"

Hinawakan ko ang kamay nitong nasa pisngi ko saka tumango. Ngumiti ito saka ako niyakap ng mahigpit. Wala akong nagawa kundi ang mapa pikit at suklian ang yakap nito. Napaka comforting para akong nahulog sa malalim na bangin at ang binagsakan ko ay malambot na kama. Hindi agad ako naka ahon sa halip ay hinayaan kong mahulog ako doon.

"Sinabi ko na sa iyo ang bagay na ito, Angelus. I've already warned you pero hindi mo ko sinunod." Rinig kong boses ng babae.

Angelus?

Iminulat ko ang mga mata. Nasa kwarto ako ni Aki. Tanging ilaw mula sa lamp shade ang nag bibigay sa akin ng liwanag. Bahagyang naka bukas ang pinto ng kwarto kaya naman rinig ko ang usapan ng mga taong nasa labas.

Nanatili ako sa pwesto ko.

"I know what I'm doing, Esther." Mahinahon na sagot ni Aki.

Esther.

"Hindi. Hindi mo alam. " Sagot nito. "Hindi mo alam kung gaano ka delikado ang pinasok mo. Kung ano man ang nangyayari ngayon iyon ay dahil sa pag suway mo sa kautusan." Mariing sabi ni Esther.

"Naiintindihan ko ang gusto mong iparating, Esther ngunit alam mong ito ang iniutos sa akin kaya ako nandito." Sagot ni Aki. "Sumusunod lang ako sa ipinag utos sa akin."

"Sumusunod sa utos? Oo pero hindi kasama sa iniutos sa iyo ang umibig sa-"

"Masama ang nakikinig sa usapan ng ibang tao."

Mabilis akong napa balikwas ng marinig ang boses na iyon ni Lyanna. Naka krus ang braso nito habang prenteng naka upo sa single couch malapit sa bintana.

"L-lyanna? What are you doing here?!" Tanong ko saka bumangon.

"Obviously, I'm here for you." Poker face na sabi nito. Sinuklay ko ang buhok gamit ang kamay.

"What time is it?" Tanong ko.

"It's seven in the morning." Sagot ni Lyanna saka tumayo. "Let's go. Nagugutom na ako."

Wala akong nagawa kundi ang tumayo saka sumunod dito. Halos matigilan ako ng makita si Esther at Aki sa sofa. Iniwas ko ang tingin kay Esther.

What have I done?!

FALLEN ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora