Chapter 33: Lost Memories

40 4 0
                                    

At night, when the stars light up my room
I sit by myself
Talking to the moon
Trying to get to you
In hopes you're on the other side
talking to me too
Or am I a fool
who sits alone
talking to the moon?

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ng marinig ang tugtog na iyon mula sa kabilang kwarto.

Tugtog ni Lyanna...

Nasisilaw kong inangat ang tingin sa bintana ng kwarto ko saka muling ibinaon ang mukha sa malambot na unan. Inaantok pa ako. Pakiramdam ko ay kulang ang tulog ko at kailangan ko ulit ibalik ang tulog ko ngayong umaga.

I know you're somewhere out there
Somewhere far away...

Muli kong ipinikit ang mga mata at nag hahanda ng bumalik sa malalim at mahimbing na tulog ng malakas na tumunog ang alarm clock sa side table.

Inis kong kinapa iyon saka ito ibinato sa kung saan.

Napa ngiti ako ng mawala ang tunog niyon pero agad na natigilan ng may maalala.

Pabuntong hininga kong inalis ang mukha sa unan saka humiga ng maayos at tiningala ang kisame ng kwarto ko. Sandali kong nilingon ang nabasag na orasan sa sahig saka bumangon.

"Anong nangyari?" Kunot noong tanong ni Lyanna ng bigla itong pumasok sa loob ng kwarto ko. Pawis na pawis ito habang may puting ipit sa buhok. Mukhang nasa kalagitnaan ito ng pag e-exercise.

Dumapo ang tingin nito sa basag na orasan saka kunot noo akong tinitigan.

"Anong ginagawa mo?" Naka ngiwing tanong nito.

Nasapo ko ang noo ko saka bumaba ng kama. Agad kong nilinis ang mga basag na salamin ng orasan bago bumaling ang tingin kay Lyanna na naka ngiwi parin sa akin habang pinagmamasdan ako.

"Wala 'to. Nairita lang ako sa tunog niya." Sabi ko.

"Tss..." Singhal nito saka lumabas ng kwarto ko.

Nakagat ko ang ibabang labi saka naupo sa gilid ng kama ko. Wala sa loob akong napa hilamos sa sariling mukha ng tumama ang tingin ko sa harap ng salamin.

Natigilan ako pero agad na bumuntong hininga.

Namamaga ang mga mata ko.

Anong oras ba ako natulog kagabi?

Hindi ko na matandaan.

Masiyadong masakit ang puso ko sa hindi ko malaman na dahilan at ang pag iyak ang tanging nagawa ko.

Sh*t!

Naka tulugan ko na nga yata ang pag iyak.

Matamlay akong tumayo saka tumungo ng banyo para doon magbabad ng halos isang oras. Sinadya ko iyon para mawala ng konti ang pamamaga ng mga mata ko.

"Are you coming back to work?" Tanong ni Mommy ng makababa ako at makitang naka bihis na ako ng pormal.

Tipid akong ngumiti.

"Yes, Mom." Sagot ko saka nilingon si Daddy.

"Are you sure? Kauuwi mo lang galing Hospital. Pwede ka naman mag pahinga muna. You can also take a quick vacation. Nandiyan naman si Criza and Amie para bantayan ang studio mo." Nag aalalang sabi ni Mommy.

Naupo ako sa tabi ni Lyanna na tahimik na nilalantakan ang vegetable salad niya.

"Hindi na kailangan ng vacation, Mom. Two weeks na akong wala. Masiyadong mahabang panahon na po iyon." Sagot ko.

Bumuntong hininga si Daddy.

"Ikaw ang bahala. Just make sure your safety always okay?" Sabi nito. "Lagi niyong iingatan ang mga sarili ninyo. And you too, Lyanna." Baling nito sa katabi ko.

FALLEN ✔Where stories live. Discover now