Chapter 16: Fall

72 4 1
                                    

Matagal bago ko natitigan si Aki sa mukha nito. Hindi ko malaman kung ano ba ang nakikita ko sa mga mata nito. Halo-halo.

"Why do you need to protect me?" Naka kunot kong noo.

Inalis nito ang tingin sa akin saka bumuntong hininga. Katahimikan ang bumalot sa buong unit ni Aki. Malalim ang iniisip ko dahil sa mga sinabi nito. Hindi ko maintindihan.

Kahit nahihilo ay nagawa kong tumayo at tumungo sa kusina nito. Mabilis kong dinampot ang bote ng beer sa ref. nito at tinungga iyon matapos buksan.

"Hey, stop!" Sigaw ni Aki saka akmang aagawin ang alak pero mabilis ko itong nailayo.

Namumungay ang mga mata kong tinitigan ito. Great! Dalawang Aki na ang nakikita ko.

"You're drunk, Leigh. That's enough." Mahinahon nitong sabi.

Tinungga kong muli ang alak saka ngumisi.

"Why did you kiss me?" Tanong ko. "May girlfriend ka na diba?"

Nagulat ito sa tanong ko.

"Are you cheating on her? Are you just using me?" Inilapit ko ng bahagya ang mukha dito ng hindi ito sumagot. "Tell me. Why did you kiss me?"

"Leigh.. I-"

"What will you do if I fall for you?" Tanong ko. Hindi ito muli sumagot. Nanatili ang kalmado at seryoso nitong mukha na naka titig sa akin.

"If I fall are you going to catch me?"

Ngumisi ako matapos tunggain lahat ang laman ng alak saka patakbong lumapit sa veranda nitong naka bukas. Dumikit ako doon saka naka pikit na dinama ang malamig na simoy ng hangin. Naka ngiti kong itinaas ang legs sa riles niyon at tumingin kay Aki.

"Leigh! Get back in here!" Sigaw ni Aki.

"Sasaluhin mo ako diba?" Tanong ko saka tumawa.

"Come on! Bumaba ka diyan! Delikado!"

"Catch me.." Naka pikit kong sabi saka umikot ang paningin ko. Naipikit ko ng mariin ang mga mata ng maramdaman ang malamig na hangin sa buo kong katawan. Naimulat ko ang mga mata ng maramdaman ang braso ni Aki sa beywang ko at ang malakas na pagaspas ng pakpak.

Ang sumunod na naalala ko ay ang pag lapag sa akin ni Aki sa veranda nito at ang pag laylay ng buo kong katawan sa braso nitong naka suporta sa akin.

"Sinabi ko naman sa'yo diba? Wag mo ng papatulan pag alam mong nasa tama ka." Mahinahon na sabi ni Lee habang inaayos nito ang bag.

Inis kong tiningnan ito.

"Yun na nga eh! Nasa tama ako kaya kailangan kong ipaglaban 'yon!" Sabi ko na medyo tumaas ang boses. Narinig ko ang pag buntong hininga nito saka ako hinarap at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Alam ko pero isipin mo rin na ayokong nadadamay ka sa ganong klase ng away." Mahinahon paring sabi nito. Iniwas ko ang tingin dito dahil naiinis parin ako. Para niyang kinakampihan pa yung mga babaeng haliparot na sumabunot sa akin kanina. Kung hindi lang talaga dumating si Lee at inawat kami ay uubusin ko ang buhok ng mga iyon.

"Sorry na.." Malambing na sabi nito dahilan para matigilan ako.

"Bakit ka nag sorry?" Kunot noong tanong ko.

"Are you mad at me?" Umirap ako. "Sorry na. Ayoko lang na mapa away ka tapos-"

"Oo na! Tsk. Tinutulad mo kasi ako sayo na ubod ng kabaitan sa katawan eh!" Asik ko. Ngumiti lang ito saka hinalikan ang noo ko at niyakap ako.

FALLEN ✔Where stories live. Discover now