Chapter 5: Stars

88 5 1
                                    

"Kailan ba ako uuwi?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga Kuha kong picture sa camera. Iniisa isa ko ito habang pinupuri ang sarili dahil sa klase ng pag kuha ko sa mga ito.

"Mamaya na.." Sagot ni Mommy. Naroon muli si Lyanna na tutok sa librong binabasa habang naka pasak ang headphones sa tainga. Si Mommy naman ay tahimik na nag aayos ng mga gamit ko.

Napa ngiti ako.

"Really?" Tanong ko.

Pang limang araw na mula ng maaksidente ako. May peklat pa ang ilang mga sugat ko pero Hindi na iyon ganoon kasakit. Nawala na rin ang mga pasa ko at tanging naroon na lang ay ang peklat mula sa sugat.

Bakit ba ngayon lang sinabi sa akin na ngayon ang labas ko? Dapat ay nakapag handa sana ako. Tsk!

Tumango ito.

Hindi ko napigilan ang sarili na pumalakpak dahil doon.

"Finally! I miss my condo!" Masayang sabi ko saka muling binuksan ang camera. Mula sa naka saradong pinto ay bumukas iyon saka pumasok si Daddy at Kuya Lance. Masaya akong humalik sa dalawa.

"Anong condo?" Nakapameywang na tanong ni Mommy.

"My condo." Sagot ko.

"Sa Bahay ka na Muna umuwi." Seryosong sabi nito na ikinagulat ko. Napa tingin pa ako kay Daddy at sa dalawa kong kapatid dahil doon.

"Ha? W-why? Mas malapit yung condo ko sa shop." Dahilan ko na ang tinutukoy ay ang photoshop ko na ipinatayo dalawang taon ang nakakaraan. Limang minuto mula sa shop ay naroon ang condo na iniregalo sa akin ni Daddy matapos kong grumaduate sa college. Doon ako tumutuloy para mas malapit sa shop. My family knows how much I love photography kaya Hindi na sila nagulat ng mag tayo ako ng photoshop.

"You need to rest.." Tipid na sagot ni Mommy.

Napa buntong hininga ako.

"B-but, Mom. Nakapag pahinga na ako. Okay na nga ako eh. Magaling na ako."

Seryoso itong tumingin sa akin.

"Sa Bahay ka na Muna. Wag ka munang mag trabaho."

"I can't. May mga client ng naghahanap sa akin-"

"Leigh, Hindi parin ako natutuwa sa ginawa mong pagda-drive ng lasing!"

"I know, Mom. It's my fault and I already apologize to you and Dad-"

"Enough. Stay in our house for the meantime and don't-"

"Hon, let her stay in her condo. She's not a kid anymore. She knows what she's doing." Kalmadong sabi ni Daddy.

Yes! Go, Dad!

"Yeah. Hindi na bata si Leigh. Sure ako na dahil sa nangyari ay mag tatanda na 'yan." Cool na cool din na sabi ni Kuya Lance.

Napa ngiti ako saka biglang sumimangot at nagpa cute kay Mommy. Alam kong kahit isang milyon ang sumang-ayon sa gusto ko ay ang gusto parin ni Mommy ang masusunod kaya Kailangan ko itong mapilit.

Naka simangot ito na tumingin sa akin.

"Please, Mom.." Sabi ko.

Bumuntong hininga ito.

"Fine. But please... Wag mo na ulit iyon gagawin. That's so dangerous." Mahinahon na sabi nito. Bakas ang pag aalala sa mga mata.

"Yay! Thanks, Mom! You guys are the best!" Hiyaw ko.

"You've always been independent." Umiiling iling na sabi ni Mommy. Sa totoo lang ay mas gusto kong magkaroon ng sariling bahay. Sanay ako na hindi inaasikaso or sanay talaga akong hindi humihingi ng tulong lalo na kung sa tingin ko ay kaya ko naman ang isang bagay. Mom's right, I've always been independent.

FALLEN ✔Where stories live. Discover now