Chapter 13: Annoying and Stubborn

77 4 0
                                    

"Why are you here? Gagawin mo na naman bang study room itong unit ko?" Tanong ko kay Lyanna na tahimik na nakatitig sa librong binabasa. Katatapos ko lang maligo, naka upo ako sa sofa, lumalamon ng sitsirya habang pinagmamasdan si Lyanna.

"Bagong Pintura yung study room. Maamoy pa kaya Hindi ako makapag review ng maayos." Sabi nito ng Hindi ako nililingon.

Ngumuya nguya pa ako.

"Eh, bakit Hindi ka kay Kuya Lance? Mas malaki ang study room 'non sa Bahay niya." Sabi ko. Sinulyapan ako nito.

"Eh, bakit Hindi dito?" Poker face na sabi nito kaya Napangiwi ako. "Maingay at malikot si Lawrent. Maiistorbo ako." Dahilan nito na ang tinutukoy ay ang tatlong taong gulang na anak ni Kuya Lance at Ate Arianna.

Hindi ako sumagot at tahimik lang na kumain ng chips.

Naka ilang buntong hininga ako saka inalala ang magandang babae na marahil ay kasama ni Aki ngayon. Siguro nga ay karelasyon niya iyon.

Naalala kong muli ang napaka ganda nitong mukha. Para talaga siyang barbie. Bagay na bagay sa kanya ang blonde niyang buhok na kulot kulot pa kaya nakadagdag sa ganda niya. Napaka puti niya at sure akong makinis na makinis ang balat nito. At yung katawan niya. Fit na fit ang suot niyang dress sa katawan niya. Nag huhumiyaw ang boobs nito kahit pa hindi expose ang cleavage niya at hindi naman revealing ang suot niya.

Pinagmasdan ko ang sarili.

Wavy ang itim kong buhok na umabot hanggang linya ng bra ko. Hindi ako maputi katulad ng babae pero makinis naman ako. Hinawakan ko ang tiyan ko saka pinasadahan ng daliri ang beywang ko. Dumapo ang kamay ko sa dibdib ko.

"Mas malaki yung sa kanya!" Sigaw ko.

"Ha?" Si Lyanna. Kunot noo ko itong tiningnan.

"Lyanna, mataba ba ako?" Tanong ko dito. Kumunot ang noo nito saka pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Umayos pa ako ng upo para makita nito ng maayos.

Umiling ito. "Hindi naman pero kung uubusin mo ang mga potato chips na 'yan baka tumaba ka nga.." Kalmadong sabi nito.

"Bakit?" Tanong ko.

"Potato chips are very high in fat, refined carbs, and salt. They have also been associated with weight gain in observational studies. One study even found them to be the food most likely to cause weight gain." Paliwanag nito. Bumaba ang tingin ko sa hawak na chips saka iyon mabilis na binitawan.

Dinampot ko ang soda sa baso at akmang iinumin iyon ng mag salita ulit ang kapatid ko.

"And drinking too many calories, including from soft drinks, can contribute to weight gain and obesity." Dagdag nito. Nalunok ko ang sariling laway saka ibinaba ang soda.

"Sh*t! Tataba ako? Hindi na ako magiging sexy?" Tanong ko na lumapit pa sa naka upo kong kapatid.

Tumango ito.

"No way! F*ck sh*t!" Agad agad akong tumayo at tumungo malapit sa bintana kung saan naroon ang mga work out equipments ko. Mabilis akong nag buhat doon ng barbel at pinilit magpapawis.

"Anong trip mo?" Kunot noong tanong ni Lyanna habang hawak ang ballpen nito.

Nilingon ko ito saka lumipat sa treadmill.

"Hindi ako pwedeng tumaba!" Sigaw ko. Hinihingal at pinagpapawisan na.

"Eh bakit ka-"

"Kailangan sexy parin ako." Nag focus ako sa pag takbo at patuloy na pinilit pagpawisan. Hindi ko na narinig pang nag salita si Lyanna.

Hinihingal akong muling naupo matapos kong lokohin ang sarili kong magpapa pawis ako. Hindi yata ako naka tagal ng thirty minutes.

"Kapagod!" Reklamo ko.

FALLEN ✔Where stories live. Discover now