Chapter 7: Wild

86 4 1
                                    

Masaya akong nag tungo sa kotse ko saka kinuha ang phone ko sa pouch kong dala. Agad kong tinawagan si Criza na sure akong busy ng mga oras na ito. At dahil bestfriend ako nito, sigurado ako na hindi ito magda dalawang isip na sagutin ang tawag ko.

Napa ngiti ako ng mag ring iyon.

"Hello-"

"Aaahhhh!!! OMG!!" Tili ko.

"Oh My Gosh! Good news?!" Tanong into. Mukhang gets na agad ang dahilan ng pag tawag ko.

"Yup!" Sagot ko na tumango pa.

"No way!" Hindi makapaniwalang sabi nito. "Are you sure?!"

Ikinabit ko ang seatbelt saka ngiting ngiti na humawak sa manibela. Hindi ko muna iyon pinaandar.

"Sure na sure!"

"No way! What did you do?" Natigilan ako sa tanong nito.

"Anong 'What did you do' ba ang ibig mong sabihin?"

"Uh.. Did you.. seduce the CEO? What did you do? Paano mo napapayag?"

"Damn! Anong seduce?! Hindi ko gawain 'yon 'no!" Sabi ko.

Tumawa ito.

"So, ano nga? Paano mo napapayag si Mr. Haverde?"

Kagat labi akong ngumiti.

"Hmm... Actually, Hindi si Mr. Haverde ang naka usap ko." Kwento ko.

"Huh? Eh, Sino?"

Napa isip ako. Sino nga ba 'yon? Kilala ko lang siya sa pangalan pero hindi ko natanong kung anong relationship niya kay Mr. Haverde. Hindi kaya Anak? Tama. Baka anak.

"Basta! Long story!" Dahilan ko.

"Katamaran mo talaga mag kwento!"

Tumawa ako.

"Ang importante tanggap tayo! So, anong balak?" Tanong ko dito. "Let's celebrate!"

"Anong celebrate?! Hoy, Leigh! Kakalabas mo lang ng Hospital!" Saway nito pero tinawanan ko lang. Umaarte na naman siya na parang si Mommy.

"Come on! This success deserves a good drink!" Umirap ako saka sumandal sa upuan ko.

"I can't... Nandito ako sa bahay ng Daddy ko. Bumisita lang. Actually, nag text ako sayo na sa susunod na araw ako uuwi."

Nanlaki ang mga mata ko.

"What?! Hindi pa ako pumapayag, ah?" Sabi ko.

"B*tch! Hindi naman ako nag paalam sayo, pinaalam ko!" Dahilan nito saka kami natawa.

We're both crazy, right?

Bumuntong hininga ako.

"Fine."

"I'm sorry. Babawi ako sayo pag uwi ko, okay?" Sabi nito sa seryosong boses. "For now, mag pahinga ka na lang muna dahil hindi ka pa pwedeng mag bar!" Paalala nito.

"Whatever!" Singhal ko.

"Sige na... Behave ka lang diyan, ah? Yari tayo pareho sa Mommy mo pag nasugatan ang pinaka matalino niyang anak." Tumatawang sabi nito.

Ngumiwi ako. "Okay, Thank you! Ingat ka diyan, Criza. Bye!" Agad kong pinutol ang call saka kagat labing pinaandar ang sasakyan ko.

Tinunton ko ang daan papunta sa kinaroroonan ng studio ko. Maliit lang naman iyon pero ayos na din para sa tulad kong nag sisimula pa lang sa ganitong industry. Katuwang ko dito sa Criza na minsan ay tumatao dito. Masyado na itong mayaman kaya naman minsan ay dito tumatambay tuwing bored sa bahay nila. May isa pa akong kasama dito. Si Amie, part timer sa studio. Kasalukuyan itong nag aaral sa kolehiyo, namasukan bilang bantay dito habang wala ako o si Criza. Marunong din ito sa pag kuha ng litrato kaya wala akong naging problema dito.

FALLEN ✔Where stories live. Discover now