Chapter 15: Kiss

72 4 1
                                    

"And who do you think you are to slap my girl?" Rinig kong tanong ng pamilyar na boses. Naimulat ko ang mga mata at nakita ang naka puting t-shirt na si Aki. Kahit naka talikod ay alam kong ito iyon.

Tiningnan ako ng masama ng babae saka bumaling kay Aki. Matagal nitong tinitigan si Aki bago hinila palabas ng bar ang boyfriend nitong kamukha ang kulugo. Dinuro pa ako nito.

"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw ng babae.

"Of course! I'm not yet done with you too!" Sigaw ko pabalik.

"Oo! Malandi ka! Sisiguraduhin ko na makaka ganti ako sayo!" Sigaw nito saka tuluyang naka labas ng bar.

"I'm waiting, B*tch!" Sigaw ko saka inalis ang pagkaka hawak ng bouncer sa braso ko. "Don't touch me!" Inayos ko ang damit.

Hinarap ako ni Aki.

"Are you okay?" Tanong nito. Nahihilo kong tinitigan ito bago tumalikod saka dinampot ang nag iisa na lang na baso ng tequila. Tinungga ko 'yon saka kinuha ang bag at dumiretso sa counter. Nag bayad ako at hindi na kinuha pa ang sukli.

Pagewang gewang akong lumabas ng bar na iyon habang sinusundan ng tingin ng mga lalaking lasing na.

"Leigh!" Sigaw ni Aki.

Sh*t! I am not a slut.

"Hey!" Sabi nito saka ako hinawakan sa braso. Tumigil ako sa pag lalakad. Pinagmasdan nito ang mukha ko saka ang braso ko. Para bang sinisiguro kung may sugat ba ako o kung may masakit ba sa akin. "Are you okay? Did she hurt you?" Nag aalalang tanong nito.

No. You hurt me.

"I'm fine." Walang gana kong sagot.

"I'm sorry." Sabi nito saka muling pinagmasdan ang mukha ko.

"Let's go home.." Aya nito. "Hindi ka dapat nakikipag away."

Umirap ako sa kawalan.

"What are you doing here?" Kunot noong tanong ko. Sumasakit ang ulo ko at pakiramdam ko anytime ay masusuka ako dahil sa mga nainom ko.  Sh*t! Nalasing ako!

"I'm here for you." Mahinahon nitong sabi.

Umirap muli ako sa kawalan.

"I didn't ask you to be here."

"Oo nga but I wanted to be here. I wanted to be with you.." Sabi nito habang nililibot ang tingin sa buong mukha ko.

Saglit akong natigilan sa sinabi nito. Punong puno ng sinseridad. Hindi nambobola. Totoong totoo.

Tinulak ko ito.

"Ano bang sinasabi mo?!" Sigaw ko. Natigilan ito sa biglang pag sigaw ko. "Stop it, Aki! Hindi ako malandi! Wala sa bokabularyo ko ang mang-agaw ng lalaking may girlfriend na!" Sigaw kong muli.

Nasusuka na talaga ako. Nahihilo at inaantok. Hinahanap na ng katawan ko ang lambot ng kama.

Natigilan ito.

"Just let me go! Stay away from me!" Sigaw ko saka ito nilagpasan. Pinilit kong mag lakad ng diretso kahit pa nahihilo na talaga ako.

"I'll drive you home.." Mahinahon nitong sabi.

"No! I can drive." Sabi ko saka dinukot ang susi sa loob ng bag ko. Naubos ang pasensya ko ng hindi iyon makuha sa pinaglalagyan ko. "Damn! Where is my f*cking key!" Dinukot kong muli iyon pero hindi ko makuha. "F*ck sh*t!"

"Do not curse." Mahinahon muli nitong sabi.

Mainit ang ulo kong tinitigan ito.

"Why do you care?! Kung ayaw mong maka rinig ng nag mumura! Leave! Leave me alone! Stay away from me!" Sigaw kong muli.

FALLEN ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang