Chapter 6: Cursing

87 4 0
                                    

Naka nguso kong pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Ngayon ang araw kung saan ako makikipag meet sa CEO ng AH group of Company.

Lumabas mula sa closet si Criza na noon ay naka suot pa ng pajamas. Dito ito natulog sa condo bilang pag hahanda sa meeting na ito. Siya rin ang nag decide jg dapat ay susuotin ko ngayong araw.

"Dapat ay maganda ka at malakas ang alindog!" Sabi nito saka pinadaanan ng make up brush and pisngi ako.

"Ew! Anong alindog ka diyan?!" Tanong ko saka ito inirapan.

"Wow! Inosente ka? As if hindi mo alam ang alindog!" Dinampot nito ang blush on saka iyon ikinulay sa pisngi ko.

"Of course I know it! Ang ibig kong sabihin ay bakit?"

Ngumisi ito saka naupo sa harap ko.

"Malay mo MMM yung CEO." Sabi nito.

"What's MMM?" Kunot noo kong tanong. Hindi ko maintindihan ang vocabulary nitong si Criza. Puro kasi kalokohan.

Humagikhik ito.

"Matandang Malapit ng Ma-Deads!"

Nanlaki ang mga mata ko saka ito hinampas.

"B*tch!" Singhal ko saka tumawa. That's why I love this B*tch, she makes me smile. "Nasa middle fifty's na si Mr. Ramon Heverde! I've done a research." Sabi ko.

"Oh! Just kidding." Tumatawang sabi nito saka nag seryoso sa ginagawa mo sa mukha ko.

Matapos lang ang ilang sandali ay ipinagtulakan na ako nito paalis. Tahimik akong nag drive patungo doon at halos mangatog ang mga tuhod ko ng mapagmasdan kung gaano kataas ang building niyon.

Sh*t. Am I ready?

Matapos kong i-compose ang sarili ay confident ako na nag lakad palapit sa receptionist. Inilahad ko ang appointment letter ko dito saka ako nito itinuro sa waiting area kung saan wala halos naka upo.

nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng floor na iyon. Tahimik. Malinis. Malamig. Maganda. Luxury. Base pa lang sa interior design ay halata mo ng mamahalin bawat materials na ginamit para mabuo iyon. Kulang siguro ang salitang 'Wow' para doon.

Naupo ako doon saka pilit na pinakalma ang sarili.

"Kalma, Leigh. You can do this." Ilang buntong hininga at pangungumbinsi pa ang ginawa ko sa sarili ko ng maramdaman ko ang pag upo ng isang lalaki sa tabi ko.

Tiningnan ko ang receptionist at nakitang wala ito doon sa kinatatayuan. Pinasadahan ko rin ang lalaking naka business suit at sun glasses. Prente itong nakaupo habang diretso ang tingin sa harap.

Umubo ako saka ito tinawag.

"Excuse me.. May appointment ka rin kay Mr. Haverde?" Mabait kong tanong dito. Ginamit ko pa ang pinaka malupet kong smile ng lingunin ako nito.

Lumingon ito saka tinanggal ang itim nitong salamin at tinitigan ako.

Nalunok ko ang laway sa klase ng titig nito. Mariin at para bang sinusuri ang pagkatao ko. Pinagmasdan nito ang kabuuan ng mukha ko dahilan para makaramdam ako ng pagka ilang.

Nakagat ko ang labi ng ma-realize na siguro ay nagagandahan ito sa akin kaya hindi na nagawang maka sagot sa tanong ko. Ganon na ba ako ka ganda? Sobrang nakaka star struck ba ang ganda ko?

Hihi!

Inalis nito ang tingin sa akin saka sinabit ang salamin sa bulsa ng suit nito at hindi na sumagot sa tanong ko.

Napakurap kurap ako at Napa poker face.

Isnabero!

Umayos ako ng upo.

FALLEN ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz