Chapter 12: Trouble

78 4 0
                                    

Nakaramdam ako ng inis ng makitang nandito kami sa harap ng condo na tinitirhan ko.

"Ayoko pang umuwi." Naka busangot kong sabi.

Hindi ito sumagot sa halip ay lumipat sa pwesto ko at pinag buksan ako ng pinto.

Iniwas ko ang tingin dito.

Bumuntong hininga ito saka inilahad ang palad sa akin. Sinulyapan ko ito saka inilipat sa mukha nito.

"What?" Maarte kong sabi at mas lalong humalukipkip.

Bumuntong hininga ulit ito saka ako hinawakan at hinila palabas. Ini-lock nito ang kotse saka ako walang sabi sabing pinasok sa elevator. Hindi parin ako nag salita hanggang sa makarating kami sa floor na kinaroroonan ng unit namin.

Oh, please! Ano bang trip nito? Fine! Tatakas na lang ako mamaya.

Padabog akong nag tungo sa unit ko saka inilabas ang card. Inagaw nito sa akin iyon saka inilabas ang card niya at agad na hinila ako papasok ng unit niya. Pag pasok ay agad niya akong tinulak paupo sa sofa.

Gulantang ang buong pagkatao ko dahil doon sa ginawa niya.

Bumuntong hininga ito saka niluwagan ang suot na neck tie. Mariin nitong naipikit ang mga mata saka tumitig sa akin ng mag mulat.

Nanatili akong naka upo habang pinagmamasdan ang kilos nito.

Stress na ba siya sa akin? Nakaka stress na ba ako? Of course! Naii-stress na soya sa akin! Tss! Si Mommy at Daddy nga ay stress sa akin paano pa kaya ang ibang tao, right?

Naiyuko ko ang ulo.

"What do you want to eat?" Mahinahon nitong tanong. Umangat ang tingin ko dito.

"Huh?" Nalunok ko ang sariling laway dahil sa tanong nito. Iniwas ko ang tingin ng titig lang ang isagot nito. "Uuwi na ako.." Saka ako tumayo at lumakad sana palabas ng higitin nito ang kamay ko saka ako ilapit sa dibdib niya.

Nahigit ko ang hininga ng maramdaman ang katawan nito.

Ang weird. Oo. Weird. Gumaan ang pakiramdam ko dahil doon. May something sa yakap niya.

"Stay here." Mariin nitong utos. Hinaplos nito ang buhok ko saka ako dinala sa veranda. "I'll cook you something.." Saka ako nito tinalikuran.

"I need a drink!" Sabi ko.

Tumigil ito ng hindi ako nililingon saka muling naglakad.

Bumuntong hininga ako saka kumapit sa railings ng veranda. Nahawakan ko ang dibdib ng maramdaman ang mabilis at malakas nitong pagkabog.

Sh*t! Anong nangyayari sa puso ko? May sakit na ba ako sa puso?

Inilapag ko sa ibabaw ng bilog na lamesa ang bag ko saka pinagmasdan ang view. Nasa ika-apat na palapag ang kinaroroonan ng unit namin kaya matatanaw ang ilan sa mga gusali na naka palibot at kaharap ng building na ito.

"Bad trip na Owen! Nag pakita pa ang kulugo na 'yon!" Hinimas himas ko ang batok saka kagat labing pinagmasdan ang mga sasakyan sa ibaba. "Anong akala niya? Nakalimutan ko na ang kagaguhan niya sa akin?! Tigas ng mukhang mag pakita! Hayop!" Sigaw ko.

Suminghot singhot ako at na-realize na umiiyak na pala ako.

"Tang*na kasi!" Marahas kong pinunasan ang luha saka naupo habang naka krus ang dalawang braso. Naka simangot akong sumandal sa upuan saka pumikit.

Bakit ba umiiyak ako?! Hindi naman masakit ang puso ko ah! Hindi ako affected sa break up namin ni Owen! Hindi ko mahagilap kung saan banda ang masakit sa puso ko. Hindi masakit pero umiiyak ako.

FALLEN ✔Where stories live. Discover now