Chapter 22: Stay away

52 4 1
                                    

Naka ngiti akong nag mulat ng mga mata ng masinagan ng araw na nag mumula sa bintana ng kwarto ko ang mukha ko. Pinagmasdan ko ang kisame ng kwarto ko saka napa ngiti. Nag unat ako saka bumangon. Sinulyapan ko ang side table at tiningnan ang camera kong naka patong doon.

Nakagat ko ang ibabang labi ng maalala ang masayang date namin dalawa ni Aki. Hindi ko rin naiwasan na maalala ang mainit na halik ni Aki sa akin bago ako ihatid sa unit ko.

Nag iinit ang pisngi kong isinubsob ang mukha sa unan saka nagsisigaw.

Sh*t! In love na ba ako?

Inalis ko ang mukha sa pagkaka subsob sa unan. Dinama ko ang malakas na tibok ng puso ko. Mabilis iyon at hindi normal.

F*ck! In love na nga ako!

Muli akong nag sisigaw saka tumalon talon sa ibabaw ng kama ko.

"I think I'm inloooooovvvee! I think I'm inlove agaaaaaiiin! I think I'm-"

Hindi ko na natuloy ang pag kanta ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa niyon si Lyanna na naka kunot ang noo.

"What are you doing?!" Tanong nito na magulo pa ang buhok, naka suot ng pajama at naka hawak sa maliit nitong unan. Halatang naistorbo sa tulog. Kagabi ay nadatnan ko ito sa sala, nag kalat ang mga gamit nito habang subsob na naman sa pag aaral.

Bumaba ako sa ibabaw ng kama saka naka ngiting tumayo.

"Nothing!" Tanggi ko. "I'm gonna take a shower first. Anong gusto mong breakfast?" Tanong ko. Hindi ito sumagot at nanatili lang ang tingin sa akin.

Naistorbo ko yata ang tulog niya.

Kinuha ko ang tuwalya saka naka ngiting humarap dito. "By the way, Good morning!" Bati ko saka masayang nag tungo sa loob ng banyo habang pakanta kanta pa na sinasabayan iyon ng pagsasayaw.

"Ano na naman ba ang ginagawa mo dito? Amoy pintura parin ba sa study room?" Tanong ko habang kumakain ng cereals. Katapat ko ngayon si Lyanna na tahimik na kumakain ng vegetable salad niya na ginawa.

Nag angat ito ng tingin.

"Mabango na ulit. Hindi na amoy pintura." Sagot ni Lyanna.

"Eh bakit nandito ka?"

"Because you're stupid." Cool na cool na sagot nito. Nanlaki ang mga mata kong napatayo at akmang babatukan ito ng mabilis itong umiwas. "That's what Mom told me. Dumaan daw ako dito ng madalas para mabisita ka because you are so stupid." Sagot nito na para bang wala siyang masamang sinabi sakin.

"I'm not stupid!" Singhal ko saka naupo ulit.

Nagkibit balikat ito.

"Edi, hindi." Umirap ito.

Sumubo ako ng cereals.

"You're so grumpy! Mag boyfriend ka para naman may inspirasyon ka para gumising tuwing umaga!" Suhestiyon ko.

"I have my dreams at iyon ang inspirasyon ko." Sagot nito.

"Edi para may happiness ka!" Naka ngiwi kong sabi.

Kahit kailan napaka bitter! Hmp!

Seryoso itong tumingin sa akin saka ngumisi. Ubos na ang kinakain nito ng sumandal sa kinauupuan at tumitig sa akin. "Hindi naka base ang kaligayahan ko sa ibang tao."

Mas lumawak ang ngisi nito sa akin saka sinuklay ang maitim at maiksi nitong buhok, bahagyang nilapit sa akin ang mukha.

"There are people who do not agree with your happiness. People come and go. Some people are there for you now but not to be with you for life. And If I were you I won't depend my happiness to other people. It will hurt you, break you and destroy you in the end." Seryoso nitong sabi saka dinampot ang pinagkainan at inilapag sa lababo.

FALLEN ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon