Chapter 31: Feud

37 4 0
                                    

"Oh My God! What happened to her?!"

"Will she be okay?"

"God! I hope she's fine!"

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ng marinig ang hysterical na boses ni Mommy.

Iginalaw ko ang mga kamay pero napa hiyaw ako ng mahina ng maramdaman ang hapdi ng kaliwang braso ko. Sumunod ay ang leeg ko tapos ay ang buong legs ko. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pag sakit ng buo kong katawan. Kumikirot ang iba't ibang sugat at pasa sa katawan ko.

"Thank God you're awake!" Sabi ni Mommy saka mabilis na lumapit sa akin.

Kahit masakit ang braso ay pinilit kong bumangon at sumandal sa head board ng hospital bed.

Anong nangyari?

"What? Are you okay? You want to eat? Water? Tell Mommy. What do you want, anak?" Nag aalalang tanong ni Mommy.

Inilibot ko ang paningin at naroon si Daddy at mga kapatid ko. Naroon din si Criza na namumutla at naiiyak habang naka tingin sa akin.

Umubo ako.

"I'm fine, Mom." Sagot ko sa paos na paos na boses.

Napa upo si Mommy saka naiiyak na tumingin sa akin.

"What happened, Leigh Amelie? What happened to you? Why were you drunk?" Sunod sunod na tanong nito.

Drunk?

"Water.." Sabi ni Lyanna saka inabot sa akin ang baso ng tubig na hindi puno ang laman. "Hindi mo pwede biglain ng maraming tubig ang katawan mo baka mag suka ka." Sabi nito.

Agad ko iyon na ininom.

"Tell me, Leigh! Anong pumasok sa kukote mo at nag lasing ka!" Sabi ni Mommy na bakas na ang galit sa mukha.

Hindi ako naka sagot.

"God! What were you thinking! You almost died!" Sabi nito saka tuluyang naiyak. "You've been unconscious for two days!" Humagulgol ito.

Wala sa loob kong nahawakan ang dibdib ng makaramdam ng sakit doon.

"Mom, don't bombarded her with so much questions." Sabi naman ni Kuya Lance. "She needs to rest."

Napa hilamos si Mom sa sarili niyang mukha.

"I'm sorry, Mommy." Sabi ko saka napa ngiwi ng maramdaman ang pananakit ng buong katawan.

"Don't just say sorry! Tell me everything, Leigh! I'm your Mom! Alam ko dapat ang mga nangyayari sa inyo na mga anak ko!"

"Hon.." Tawag ni Daddy saka hinaplos haplos ang likod ni Mommy.

"What happened, Leigh? Tell me!" Galit ng sabi nito. Para na itong maiiyak dahil sa galit sa akin.

Tumingin ako kay Criza. Tahimik itong naka tungo lang sa isang tabi.

Ano bang nangyari?

Naitungo ko rin ang ulo dahil wala akong maisagot. Sumasakit ang buong katawan ko dahil sa mga nangyari.

"Are you even thinking?! Nag drive ka ng lasing? Gusto mo bang magpakamatay?!" Sigaw muli ni Mommy dahilan para maipikit ko ng mariin ang mga mata ko. "Hindi ko kayo kailanman tinuruan ng ganon klaseng bagay, Leigh Amelie!" Dagdag nito. "You know I'm always here kapag kailangan niyo ako. You don't have to do that! Pwede mo akong kausapin kapag may problema ka. You know we're here for you!" Nanginginig ang boses na sabi nito.

"I'm so sorry, Mom." Sabi ko.

Bumuntong hininga ito.

"Mabuti pa mag pahinga ka na muna, Anak." Mahinahon na sabi ni Daddy. "Bukas na tayo mag usap kapag naka recover ka na ng konti." Pinasadahan nito ng tingin ang buong mukha ko. "You have lots of wounds to your face. Take a rest for now." Sabi nito. "Let's go home, hon. I know You're tired."

FALLEN ✔Where stories live. Discover now