"No! No, Jacquin! Don't apologize! You're my husband. Ako ang nag-convince sa 'yo. Ikaw lang puwede gumawa sa 'kin niyon. Ikaw lang ang papayagan ko! Ikaw lang ang pinayagan ko!" Sumisigaw na si Blair. "Kaya 'di ko alam bakit inakala kong ikaw sila! I was not in my right mind! Nababaliw ako! Baliw ako, Jacquin!"

Umiling ito. Nanatiling kalmado para sa kanya. "It's not your fault, Blair. It was a natural response..."

"No! My natural response when you touched me shouldn't be like that! I should enjoy it! I fantasized about it! With you, Jack! I only want you to do it! Ikaw lang ang gusto ko pero nasaktan pa kita!"

Pumikit ito. "Babe, calm down... It's not your fault. You're still in trauma."

Umiling-iling siya. "I was able to make love to you after our wedding! Bakit hindi ngayon? Bakit wala akong nararamdaman? Nang mayroon naman na, palpak pa! Hindi ko maintindihan, Jack!" Napasabunot si Blair sa sariling buhok at napaluklok sa sahig.

"I cannot understand! I love you, I want to feel you! But I only hurt you! I hurt you, Jack! What if you touch me, again, and I'm just going to hurt you, again?!"

Lumuhod si Jack sa tabi niya. "Blair..."

"Huwag ka na lang lumapit sa 'kin! Maghiwalay na lang tayo! I'm fucked up! I'm damaged!"

Nahabol bigla ni Blair ang hininga nang parang nagsasara na naman ang lalamunan niya. Nakagat niya ang dila at hindi na makapagsalita pa.

Napansin agad ni Jack iyon at mabilis siyang binuhat at inupo ng maayos. May kinuha ito sa sidetable, nandoon na agad ang gamot pampakalma at isang basong tubig. Agad nito iyong napainom sa kanya. Muntik pang masamid si Blair dahil sa tingin niya ay hindi niya malulunok ang gamot.

Hinaplos-haplos ni Jack ang kanyang likod. Ang isa pa nitong kamay, nakapalibot sa baywang niya.

"It's not your fault, Blair. Wala kang kasalanan. Wala kang kasalanan..." paulit-ulit na bulong nito hanggang sa umepekto ang gamot.

Nakakahinga na ulit ng maayos si Blair pero nanatili siyang walang imik at mas nanghina.

Pinatay na ni Kuya Sandro ang mga lalaking iyon... Pero wala pa ring katahimikan para sa kanya. Hank was still trying to twist her truths and make her look like the one at fault...

Hank was always telling her she'll never be happy...

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin at tinignan si Jack. Nakatingin din ito sa kanya at iniwas niya ang mga mata rito. Ang benda at mga marka ng kalmot niya sa mukha nito ang pinagtuunan niya ng pansin.

"Sa tuwing magkalayo tayo, masakit..." Napalunok siya. "Pero kapag magkasama tayo, sandali lang ang saya kasi masakit na ulit... Whatever I do, whether I push or pull you, it hurts you."

"Huwag kang magsalita ng ganyan," saway ni Jack, tumitigas na ang tinig.

"What's less painful, babe?" Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. "With or without me?"

Tumigas na rin ang buong mukha nito. He was like ready for defense. "May balak ka bang layuan ako dahil lang sa nangyari ngayon?"

Parang lasing ang pakiramdam ni Blair. Siguro dahil sa gamot. Inangat niya ang kamay sa mukha nitong pulos sugat. Tapos ay hinaplos niya ang benda, napapiksi ito. Mahapdi pa rin iyon...

"I'm dangerous, Jacquin..."

"Pain is bearable when I'm with you, Blair! Don't try to push me away!"

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon