"Oh, 'di ba? Sabi ko sa 'yo, mawawala din 'yan dito, eh." He told me as he chuckled.

"Thank you." I finally answered.

"Ano ba kasing nangyari? Nag-away kayo ni Sebastian?"

I shook my head. Hindi ko alam kung saan pa nagmumula itong pake ko para sa gagong iyon. I should be ranting about his shit right now but I just can't find the courage to tell it to anyone. Siguro kasi alam kong masakit ang mapahiya? Alam kong masakit iyong isipin ng iba na masiyado lang talaga akong ilusyunada para umasang mamahalin talaga ako ng isang Sebastian Molina? Kaya ayan, si gaga, nasaktan, naloko at mukhang malapit nang ipagpalit.

"I just want to go home." I told Mylo.

Mabuti na lang talaga at hindi na siya nagtangka pang magtanong. That night, he meneuvered his car towards my house with silence succumbing the both of us. Hanggang sa ligtas niya akong naiuwi sa bahay. Hindi ko na nga alam kung nakapag-paalam pa ako sa kanya nang maayos. Basta ang sigurado ko lang, bangag at lutang akong dumiretso sa kwarto ko. Doon ako nagmukmok at umiyak hanggang sa makatulog ako.

DAYS went in like a blur. Before I can even realize it, Instramurals Week are ending. It's Friday now and this is the last day of our Marketing Booth.

Sa nagdaang mga araw na iyon ay hindi na kami nakapag-usap pa ni Sebastian. Nalaman ko na lang kay Alaia na nagkabalikan na pala sila ni Catalina.

The moment I heard about that news, I literally lost my sanity. I cried fucking hard inside the cubicle while my classmates are trying to comfort me. But their comfort is only making me feel like I am the worst. They ended up leaving me alone, sobbing and crying real hard. Hindi matanggap ang mga nangyayari. Hindi alam kung ano ang gagawin.

Katulad ng isang blangkong papel, patuloy kong pinipintahan ang sarili ng mga katanungan. Na bakit ako ganiganito ng tadhana? Na bakit ako pa ang pinili nitong gaguhin?

At higit sa lahat, paano nakaya ni Sebastian na bitawan ang lahat ng nangyari sa amin? Paano niya nagawang kalimutan ang lahat ng masasayang memories namin sa nagdaang mga buwan?

Ang tanga lang kasi.

Tipong wala manlang closure na naganap sa pagitan naming dalawa. Iyong para bang gusto niyang tanggapin ko na lang itong kagaguhan niya at mag-move on. Iyong inihagis niya ako sa ere nang kinikilig pero hindi niya ako sinalo sa huli. Kaya heto ako ngayon, basag na basag. 

Basag.

Durog.

Pero kahit na ganoon, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa mga paa ko para magpunta pa dito. Hindi ko na alam kung bakit pa ako pumunta dito.

Siguro kasi, tanga din ako.

Siguro kasi, masokista lang ako.

Slow motion.

Sabi nila, iyan daw ang una mong mararamdaman everytime na dadapo ang mga mata mo sa taong nakatadhana para sa 'yo.

Right now, it's happening to me. Slow motion. Mabagal ang pag-galaw ng oras. Kitang-kita ko ang bawat kilos niya. Kung papaano niya ayusin ang mikropono. Kung papaano siya mapaglarong ngumiti. Kung papaano niya isinabit sa kanyang balikat ang strap ng gitara.

Lahat-lahat.

Kita ko.

Kitang-kita ko.

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya habang nakasentro naman ang kanya sa iba-- sa mga babaeng nagtitilian dahil sa pagtitig niya. Ang iba ay nagtatatalon pa sa kilig. Para bang mahihimatay sa ganda ng kanyang ngiti.

Well, hindi ko naman sila masisi. Maski naman ako, eh. Minsan na akong binaliw ng ngiting iyan.

Lumakas pa ang pagtili ng mga babaeng iyon nang magsimula nang tumugtog ang banda. Napalunok ako. Para ba akong unti-unting nadudurog habang pinapakinggan ang intro ng kanta.

And I really lost it when he started to sing.

His voice is so deep. Sa kapal niyon ay tumatagos sa buto ko ang epekto niyon sa akin. Lumakas ang pagtibok ng puso ko. Napalunok na lang ako sa paghagod ng kanyang boses sa bawat dulo ng salitang kanyang kinakanta.

"Hindi ko maintindihan ang nilalaman ng puso. Tuwing magkahawak ang ating kamay, pinapanalangin lagi tayong magkasama. Hinihiling bawat oras kapiling ka."

He used to sing that song to me. Sabi niya, ako ang lagi niyang naaalala sa kantang iyan-- well, a few months ago. Ewan ko lang ngayon.

"Sa lahat ng aking ginagawa. Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta. Sana'y 'di na tayo magkahiwalay. Kahit kailan pa man."

Permanente na talaga sa kanya ang magmukhang playboy. Nakakaakit kasi ang ngiti niya kahit hindi naman niya iyon sinasadya. Kaya marami akong naging kaagaw sa kanya, eh.

Naging.

Kusa akong napasimangot.

"Past is past na, Chance." Nagsimula akong kausapin ang sarili ko. Baliw na kung baliw. Totoo naman, eh. Baliw na, tanga pa.

Nagpatuloy ako. "Okay na? Move on na--"

Pero . . .

Bwiset.

Napalunok na lang ako nang bigla, nagtama ang mga mata namin. Nang bigla, para bang nawala lahat ng tao sa school ground. Nang bigla, para bang kaming dalawa na lang ang tao rito.

"Ikaw lamang ang aking minamahal. Ikaw lamang ang tangi kong inaasam."

Hindi niya inalis ang mga mata sa akin. He is now staring at me as if I am the only girl in the world. As if gazing his eyes away from me is going to be the death of him.

"Makapiling ka habambuhay. Ikaw lamang, sinta. Wala na 'kong hihingin pa . . ."

And then he smiled at me. A genuine one. That usual bright smile he always throw at my fragile heart.

His raspy voice came as he continued smiling boyishly, " . . . wala na."

Pero kusa akong nasaktan nang bigla, nagbago ang ngiting iyon. It turned out to be the most painful apologetic smile that I've ever seen.

Doon ay bigla niyang inalis ang tingin sa akin. Ngumiti na naman siya sa mga naglulundagang kababaihan sa harap. He left me here, dumbfounded and confused again.

Going back to slow motion. Sabi nila kapag nakatadhana raw sa iyo, kasabay ng slow motion ay makakaramdam ka ng kakaibang saya. Iyong para bang sasabog ang puso mo. Iyong sisikip ito sa tindi ng nararamdaman mong saya.

Well, I used to feel it before.

But, not now.

Kasi everytime na dadapo ang mga mata ko sa kanya, nasasaktan ako-- kahit na may slow motion, nadudurog ako. Durog na durog ako.

In conclusion, this shitty facts about slow motion is nothing but a hoax. Hindi naman iyan totoo. Proven and tested na. Scam. Fake news.

And as I continued raking my eyes at him-- at the way how he seductively smile with the girls infront, I faced the truth.

I am just another plus-size girl who is desperately inlove with him. And under my daydream, I just can't stop myself loving him . . . kahit alam kong talo na ako. Na dapat na akong mag-move on. Na dapat ko na siyang kalimutan kasi wala naman akong choice. Pinili ko siya, eh. Pinili ko siyang saktan ako.

Pero bakit gan'on?

Bakit kahit ang sakit-sakit na, gusto ko pa rin? Bakit kahit durog na durog na ako, hinihintay ko pa rin siyang buuin uli ako? Bakit ang tanga ko . . . ang tanga ko pa rin kapag siya na ang pinag-uusapan?

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Where stories live. Discover now