Inayos niya ang salamin sa mata pagkatapos ng matagal na pagkakayuko. She just finished stapling the papers. Blair double-checked everything before carrying it. Halos yakap niya na ang papel para ma-secure iyon. "I'm going back to my work."

    "Chrisee, sandali!"

    "Dito ka muna! Hindi ka na makausap kapag nasa loob ka na ng office ni Sir Jacquin, eh!"

    "Nako, mare! Hindi naman talaga nakikipag-usap si Chrisee sa 'tin."

    "Hayaan niyo na. Hindi siguro maka-relate sa'ting mga bata at dalaga pa. Manang na masyado 'yan."

    Then, they chuckled like ignorant high school girls.

    She smirked while continuously walking. Hindi na niya nilingon pa ang mga ito. Ang suwerte nga ng mga ito na hindi siya nagtataray. Blair does not want to be the office bitch, but she doesn't want to be Miss Congeniality, also.

    Wala na ring nangulit sa kanya hanggang sa makapasok na siya ng kuwarto ng office director. Sinipa niya pasara ang pinto gamit ang paa at saka inilapag ang mga dala sa ibabaw ng desk niya.

    It's just 8:30 in the morning. Nine AM pa pumapasok si Jack. Usually, may isang oras pa ang mga empleyado na mag-chill at hindi agad gumawa ng trabaho pagka-time-in ng 8 AM dahil wala pa naman ang boss.

    Napabuntonghininga si Blair at umupo sa upuan. Sinandal niya ang likod at napatitig sa puwesto ni Jack na wala pang tao. Isang buwan na agad ang lumipas. At kung trabaho ang pag-uusapan, as always, Jack is a good and intelligent leader. He has concrete steps, clear plans, and attainable goals for the company and its people.

    While his brother was a good and strategic boss, no one compares to the intentionality and efficiency of Jacquin Valleroso as the newest leader. At evident iyon dahil lahat ng tao sa opisina ay nagagawa nitong mapasunod nang maayos. Lahat ay humahanga at nirerespeto ito, hindi lang dahil boss ito. But because Jack managed to easily build a good rapport in each and everyone in that humble publishing company.

    Pumikit si Blair at inalala ang nakaraang buwan... Jack's not just managing the company and its people. He's unspokingly taking care of her as well...

    She can clearly remember the day after Jack was introduced to everyone and signed the contract. It was... very calm...

    "After the general meeting, kindly set me up a seperate and more intimate meeting with each department," utos ni Jack na matiyagang tinitipa ni Blair sa iPad niya. "I'll get the catch of how each department works if I talk to them in small groups. Fit all the department meetings within this week."

    Tahimik na tumango lang si Blair. So, simula ngayon, siya na ang taga-ayos nang lahat ng schedule ni Jack. Ibig sabihin, may access siya sa lahat ng pupuntahan, kakausapin, at kikitain nito. Well, of course, 'yung related lang sa work. Parang wala naman siyang karapatan kung pati sa personal.

    "I'm not comfortable in reading all papers in my monitor screen. Print the ones that needed to be reviewed immediately and leave it here, above my table, so I can always do it first thing every morning."

    Tumango ulit siya at mabilis na nag-take note.

    "You always come with me in my meetings. Whether within this building or outside. I don't need you to write down everything during meetings. You can use a voice recorder. Gusto ko lang sana makinig ka palagi sa pinag-uusapan at mag-take note lang kung kinakailangan."

    She unconciously pouted while adjusting her eyeglasses. "Okay..."

    Nagpatuloy lang si Jack sa pagsasabi ng mga rules at utos nito. Habang nagsasalita ito ng buong-buo, pasimple niya itong tinititigan.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon