"Ito din gusto ko, at saka ito pa," tuloy-tuloy na turo ni Jack. Then he glanced at her and pointed his index finger towards her. "At saka ikaw, gusto ko."

Napasinghap siya at napatingin sa paligid nila. Buti na lang ay walang nakarinig dito!

"Mr. Valleroso!" mahinang saway niya.

He sexily chuckled. Binaba na nito ang kamay at nilagay sa bulsa ng gray slacks na suot. "I'd like to eat inside my private office. Can you show me how to get there, Mrs. Valleroso?"

Tumango na lang siya. Kinuha ni Jack mula sa kanya ang paper plate na puno ng pagkain sa isang kamay. Sa isa pang kamay ay hawak nito ang binigay ritong sandwich.

Ni-refill niya ang plastic cup nito ng orange juice at kinuhanan niya rin ito ng tissue, spoon, at fork. Pagkuwa'y nauna na siyang maglakad palabas ng conference room patungo sa bagong opisina ni Jack. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa likod niya. At habang naglalakad ay maraming empleyado pa ang bumati kay Jack. May isa pang taga-accounting na nakipag-picture dito kaya kailangan pa nilang huminto saglit.

Nakabukas na ang pinto pagdating nila roon. May mini-dining area ang pribadong opisina. Doon sa may malapit sa glass wall kung saan tanaw ang lungsod. Inilapag niya ang mga dala sa four-legged roundtable na gawa sa kahoy. Tatlong upuan ang nakapalibot doon. Ginaya ni Jack ang ginawa niya at doon din inilapag ang dalang pagkain.

"Good thing you thought na dito na lang kumain," aniya nang hindi ito ito tinitignan. "Hindi ka makakakain sa conference room dahil sa daming gustong makausap ka. You're too friendly for a boss."

"I like them to be comfortable before the real work starts." Hinila nito ang isang upuan. Akala niya ay uupo ito roon pero, "Sit here. Sabayan mo 'ko kumain."

Napaangat siya ng tingin. "Kumain na 'ko..."

"Pero hindi ka pa busog," siguradong saad nito.

"Naka-two rounds ako ng spaghetti."

"Na kaunti lang pareho. Sa unang plate ay naka-limang subo ka lang. Then the second plate, four."

Napaawang siya. "What! P-Paano mo nabilang?" takang-taka si Blair. Seryoso ba ito?

Tinapik-tapik nito ang backrest ng silya. "I was watching you the whole time."

What!

"Hindi ka nabusog. Now, sit here and let's eat together," he softly commanded.

Totoong hindi pa nga siya busog at parang nabitin sa kinain. Tinignan niya ang paper plate na puno ng iba't ibang putahe. Kaya ba ang dami nitong pinili? Pero eksakto lang para dito ang kinuha niya...

Natagpuan ni Blair ang sariling umuupo sa silyang hinila nito para sa kanya. Then, Jack sat at the chair across hers.

"Isa lang ang spoon and fork..." nasambit niya.

"We can share like before."

Napalunok siya at nagkasalubong na naman ang mga mata nila.

"A-Are you serious, Jacquin?"

Tumusok ito ng isang ulam gamit ang tinidor at nakangiting kinagatan iyon. "I'm happy that I'll be working with you. We've been doing things together before but not this. I heard from your brother that you've been an efficient employee for two years now. Plus, you're reliable and finishes the assigned jobs on time."

Napatingin siya sa pagkain. Paano ba kukutsarahin ang spaghetti? Gamit na nito ang tinidor...

"Here," ani Jack nang mapansing nakatitig siya sa spaghetti. Inikot nito ang hawak na tinidor sa noodles. Pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang tinidor.

Good Riddance (DS #2)Where stories live. Discover now