"Yeah..."

"Maaga pala kayong nag-asawa, Sir! Five years ago pa."

"Happy naman po kayo, Sir?"

"I'm married to the love of my life. We're high school sweethearts, so..."

Ang lakas ng tilian. Muntik namang malunok ni Blair ng diretso ang spaghetti noodles eksaktong pagkasubo niya.

"Nakakakilig naman po!"

"Nasaan na po ang asawa niyo, Sir?"

Napalingon si Blair sa mga ito at nagsalubong na naman ang mga mata nila ni Jack! He smiled knowingly.

"Nasa tabi-tabi lang... Kumakain ng spaghetti."

Humagikgik ang mga ito. Akala siguro ay nagbibiro si Jack.

Binawi niya na ang tingin dahil naramdaman ni Blair na nag-iinit ang magkabila niyang pisngi.

"Mukhang naaalagaan kayong mabuti ng asawa niyo, Sir. May baby na rin po ba kayo?"

"Si misis muna ang baby ko."

Napatili na naman ang mga tsismosa sa kilig. Napainom si Blair ng juice. Tumayo na siya at tinapon na ang ginamit na paper plate sa trash can.

Nasaan na ba si Kuya Bari? Is Jack even allowed to answer personal questions like that? He's the new boss!

"Nako, Sir, pasensya na po kayo sa amin, ah? Nakakakilig po at nakakatuwa dahil ang open niyo pong sumagot kahit personal na tanong na."

"Oh, it's okay. I never kept my marriage a secret anyway," cool pa na sagot ni Jack. "Kaya ko laging suot ang wedding ring ko."

"Proud na proud ka nga, Sir. Ang suwerte naman po ng wife niyo sa inyo."

Nagkasalubong na naman ang tingin nila ni Jack. Blair sighed but didn't break the eye contact.

Jack smiled even more. Bumaling ito sa mga kausap. "By the way, I'll take my proper meal now. Can I excuse myself for a while, ladies?"

"Yes, Sir!"

"Opo, Sir. Go ahead."

"Thank you po for the time, Sir. We're all excited to work with you."

Naglakad na si Jack palayo sa mga ito at kitang-kita ni Blair kung gaano kadaming mga mata ang nakasunod ng tingin dito.

Napaharap siya sa buffet table nang mas papalapit na sa kanya si Jack.

"Tapos ka nang kumain?" he whispered when he's already beside her.

Tumango siya. "Y-You should eat, too..."

"Masarap 'yung spaghetti?"

Tumango ulit siya.

Nilapag muna nito ang hawak na juice at sandwich. Akmang kukuha ng paper plate pero nagkusa na lang si Blair. Siya na ang kumuha ng paper plate para rito.

"Anong gusto mo rito, Boss? Ako na po kukuha para sa inyo," sadya niyang nilakasan ang boses para marinig ng mga tao. Damang-dama niyang pinagtitinginan silang dalawa ni Jack. Pero dapat ipakita niyang kaya siya ang nilapitan ng bagong boss dahil siya ang assistant nito.

"Spaghetti," sagot ni Jack sabay turo sa sinabing pagkain. "Then, this cordon bleu... Buttered chicken..." Isa-isa nitong tinuro ang mga iyon. Kumuha si Blair ng sa tingin niyang kayang ubusin ni Jack.

Good Riddance (DS #2)Where stories live. Discover now