Espesyal na Kabanata

Mulai dari awal
                                    

"Gusto mo ba'ng makipaglaro sa amin? Ano'ng pangalan mo? Ako nga pala si James," tuluy-tuloy na sinabi ng batang si James sa batang kaharap.

"I know! I heard it from her!" sa halip ay mataray na tugon ni Meriah kay James bago niya mapansin na apat na bata pala ang kasama ng kausap niya.

"Hala, english..."

"Ano raw sabi?"

Bulungan ng mga kaibigan ni James.

"Ano nga?" tanong na lamang ni James. "Gusto mo ba'ng makipaglaro o hindi? Iiwan ka na namin d'yan kung ayaw mo."

Napalingong muli si Meriah sa kalabaw bago sumagot. "What game will you play?"

"Game? Habulan– kahit ano, depende..."

"You don't have dolls? Or phone?"

"Dolls? Manika ba kamo?" tanong ng kaibigang babae ni James kay Meriah.

"Yes! What's your name pala?"

"Wala akong dala. Mayroon ka ba?"

"I didn't bring it with me. So... your name?" muling tanong ni Meriah, bahagyang nawawalan ng pasensya.

"Ah, siya si Andrea," si James ang sumagot.

Tumango si Andrea kay Meriah.

Kanina, ilang minuto pa lamang ang nakalipas, habang naglalakad papunta sa bukid upang maglaro ay napansin ng batang si James ang kakaibang pagkilos ng isang batang babae sa loob ng sasakyan sa harap ng kabukiran kung saan ang tungo nilang magkakaibigan. Ngayon, hindi tulad ng nakasanayang klase ng mga laro, natagpuan na lamang nila ang kanilang mga sarili na naglalaro ng bahay-bahayan. Si James ang tatay, si Andrea ang nanay, si Meriah ang bunsong anak habang kapatid naman niya ang iba pang kaibigan ni James. Iyon ang gustong laro ni Meriah.

"When will I go to school?" tanong ni Meriah sabay tingin kay James at Andeng.

"James, school daw."

"Don't call him James! He's our father!" sermon ni Meriah sa kaniyang kapatid.

"Oo na. 'Tay, kailan kami papasok ng eskwelahan?"

"Bukas papasok na kayo. Gabi na, matulog na kayo."

Sa isang telang malaki na inilatag sa dayami, nahiga si Meriah at ang apat na kalaro. Matapos ang isang minuto, kunwari ay umaga nang muli. Ang nanay ang kunwaring nagluto upang makakain ang mga anak, sunod niyang pinaliguan kunwari sina Meriah. Hawak ni James ang kamay ni Meriah at ng isa pang anak niya upang ihatid sa eskwelahan-kuno na hindi lagpas ng kinseng hakbang mula sa lugar kung saan sila naglalaro.

"Andeng, ihahatid ko na ang mga anak natin," paalam ni James kay Andrea.

"Wait. Andeng? Is that... is that your nickname?" namamanghang tanong ni Meriah kay Andrea sa pagkakadiskubre sa palayaw nito. Ibig niyang matawa ngunit hindi niya ginawa.

"Oy, James! Atin-atin lang 'yon! 'Di ba nga hindi mo ako tatawagin ng gano'n kapag may ibang tao?" Ibig mag-alboroto ni Andrea dahil sa pagtawag sa kaniya ni James ng kinamumuhian niyang palayaw.

"Iyon naman talaga ang tawag sa'yo sa gawi sa'tin ah? Ano'ng masama?" pagsali sa usapan ng iba pa nilang kalaro.

"Basta! Ayaw ko nga!"

"Okay, Andrea. I'd rather call you by your beautiful name rather than Andeng. Don't worry," sabi na lamang ni Meriah upang matapos na ang namumuong inisan sa mga kalaro. "So, let's go to school, Tatay. Kiss her now," inosenteng sambit niya kay James, pagtutukoy na dapat nitong halikan si Andrea na siya namang nanay nila.

Patalsikin si Ms. Dayo!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang