Tumingin siya sa akin. "Ah, right. May gig kami sa Tagaytay bukas. Hindi na kita niyaya kasi 'di ba, sinabi mo sa 'kin na 'wag kang yayain kapag week days? You told me, you want to study alone."

Tumango lang naman ako.

"Nako, girl! Saka na iyang pag-aaral na 'yan! You should be there! Papakantahin ni Maxton ang mga apprentice niya—that includes Baste! Mahalaga iyon dahil isa iyon sa titingnan ng buong band members sa pagpili nila kung sino ba ang karapat-dapat na madagdag sa PDYN band!" Inalog-alog ako ni Alaia.

"Err . . ." I winced.

Tomorrow is Tuesday, schedule iyon ng session ko kasama ang online tutor ko. I can't afford to miss it lalong lalo na't malapit na ang prelims.

I shook my head. "Hindi na lang ako sasama. I have a schedule with my tutor tomorrow—"

"Come on . . ." ang biglang singit ni Sebastian. Teka, n-nag-pa-pout ba siya? Shuta?

"Mahalaga sa akin ang performance ko bukas, I need you to be there. I need someone whom I can use as an outlet to release my best—that specific someone whom I want to impress." Diretso niya akong tiningnan sa mga mata. "And that's you, baby. That's you."

Talagang hindi ko na napigilan ang sarili ko nang bigla akong mapangiti. Gusto ko mang pigilan iyon ay hindi ko kaya, buwaka ng shiyet naman! Hanuba! Bakit may sariling utak ang mga labi ko?!

Mabuti na lang at biglang nagsalita si Alaia kaya't naitago ko na talaga ang ngiti ko. "Oo nga, kaloka ka. Saka nandoon naman ako, girl. Hindi ka maiinip doon. Sagot kita, bata!"

I winced again. "Ayoko talaga."

I smiled uncomfortably. "Sorry pero mas importante talaga sa akin ang studies ko ngayon. Prelims na kaya next week. Alam mo naman kung gaano ako nape-pressure kapag dumadating ang examination week."

Alaia sighed. She knows me. Ganito na talaga ako magmula pa nung mga bata palang kami. Kaya alam ko, maiitindihan niya ako. Nakatalikod ako kay Sebastian kaya't hindi ko makita kung ano ba ang emosyon niya ngayon.

"Sure ka na diyan, girl?" Ang muling tanong ni Alaia.

Tumango ako.

"One hudred percent sure? Wala nang atrasan? Wala nang bawian?"

"Oo nga." Pinanlakihan ko na siya ng mga mata. Ang kulit.

"Wala nang bawian 'yan, ha? Kapag ikaw talaga nakita ko doon bukas, bibigyan mo ako ng five thousand okay?"

Umirap ako sa kanya at tumango na lang. As if naman kasi na mapapasama niya ako doon eh settled na ang utak ko. Sa dorm ako bukas ng gabi. Mag-aaral para sa future ko.

"Deal?" Ang pag-ulit niya pa at gusto ko na talaga siyang i-upper cut. "Naka-record 'to sa phone ko ngayon! Sinasabi ko talaga sa 'yo!"

"Oo na." Iritado akong nagkamot ng batok.

"Deal na." Hinawakan ko ang inilahad niyang kamay at saka kami nag-shake hands.

"ANO? Na-transfer mo na sa GCash ko ang five thousand ko?" Ang tanong sa akin ni Alaia habang inaayos nina Sebastian ang musical instruments ng PDYN Band.

"Opo, Ma'am." Umirap ako nang malala kay Alaia.

"Thank you, girl! May pang-shopee na ako!" Ang sambit niya pa. Gusto ko tuloy siyang sakalin ngayon!

The thruth is . . . wala akong choice kung hindi ang sumama na lang talaga dito. Ang gagong si Sebastian kasi ay tinakot ako kahapon. Ipinanakot niya sa akin na sasabihin niya raw kay Alaia ang lahat ng nangyari sa amin noong Linggo after ng gig nila ngayon. At dahil alam kong kahiya-hiya iyon para sa akin, wala na lang talaga akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa kanya! Ini-resched ko ang tutorial session ko para lang sa gunggong na gabing ito! Buset!

"Hello . . . Hello, hello." Sebastian mumbled from the microphone. The show is about to start. Marami na kasing mga tao. "Mic test, mic test."

Right now, he is wearing a fitted tank top na talagang binagayan ng maskulado niyang pangangatawan. Sinamahan niya iyon ng black army pants. He is looking like a Filipino version of Shawn Mendes right now.

Napangiti tuloy ako.

Gwapo talaga ng lokong 'to.

Pero naalis ang atensyon ko sa kanya nang biglang magsalita si Alaia. "Hoy, ikaw na babae ka. Umamin ka nga."

Nabulunan ako sa sarili kong laway. "A-Ano namang aaminin ko sa 'yong damuho ka?"

"Nahuhulog ka na kay Sebastian, ano?"

Nabulunan na naman ako. Uubo-ubo akong hinampas ang braso niya! "S-Siyempre, hindi! A-ano bang pinagsasasabi mo diyan?"

"Eh ano iyang nginingiti-ngiti mo diyan kanina habang nakatingin kay Baste?"

"Bawal bang ngumiti? May nakasulat ba sa buong restaurant na may multa kapag ngumiti?" Ang pabalang kong sagot sa kanya.

"Bawal ngumiti kung wala namang dahilan. Gago ka ba?" Ang patutyada naman niya. "Ano nga? Alam ko iyang ngitian mo na 'yan. Kabisado na kita."

"Ehh . . ." Ang tanging naisagot ko lang.

Doon ay mahinang napahampas si Alaia sa ibabaw ng table. Sinamaan niya ako ng tingin. "Sabi na, eh!"

"H-Hindi kaya." Pilit na inirapan ko siya.

"Sige nga, kung hindi talaga. Bakit hindi mo siya magawang baste-din na lang? 'Di ba ang sabi mo sa akin, pag-ti-tripan mo lang siya? Na sasakyan mo lang ang inaalok niyang panliligaw para bwisitin lang siya?"

Alaisa threw her hands in the air. "Eh, bakit parang iba itong nakikita ko ngayon? Bakit parang nag-e-enjoy ka na?"

Her words hit me hard.

I found myself sighing.

Doon na napamasahe ng sentido si Alaia. "Akala ko noong una, trip pa rin ito kaya sinasakyan lang kita."

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming huminga nang malalim. "Girl . . . basta mag-ingat ka, okay? Sebastian is not a typical boy. Alam mo namang wala pang three months noong maghiwalay sila ni Catalina, right? Alam mo rin kung gaano niya kamahal ang babaeng iyon. I just don't want to see you get hurt just because of him. So please, be careful. Got that?"

I nod while pressing my lips together.

"Good . . ." She only mumbled as she started caressing my hand.

Pero pareho rin kaming napatingin mula sa harapan nang biglang tumugtog ang banda. And then . . . there was Sebastian's thick voice.

"'Di ko na nadiligan . . ." He is staring right into my face. I swallowed hard. "Ang binhi ng iyong pagmamahal."

Under Her Daydream (UNDER DUOLOGY #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang