Kabanata 100: Labanan? (6)

159 10 0
                                    

   Nagtatago sina Hermia, Enriquez, at Agustin sa likod ng mga malalaking damo.

   ‘Mahilig talaga ang mga Dragon sa mga tagong lugar,’ Hermia.
 
   Nahirapan pa sila Hermia dahil tagong-tago talaga ang lugar na kinalalagyan ng bahay ng mama ni Liam o ang lola nina Hero at Hermia.

   Bumukas ang pinto ng bahay na inoobserbahan nila Hermia.

   Iniluwa noon ang babaeng kayumangging pula ang buhok na paalon.

   “Hmm...” Nilibot ng pulang mata nito ang buong paligid. Pagtapos nito ay napangisi siya at pumasok ulit sa loob ng bahay.

   ‘Alam niya bang nandito kami?’

   ‘Parang wala ng kuwenta ang ginagawa naming pagtago. Ano bang pinaggagawa namin?’

   Hindi na si Hermia nagtago na ikinagulat nina Enriquez at Agustin.

   Pipigilan sana nila si Hermia pero nakalapit na ito sa pinto ng bahay.

   Sumunod na rin sina Enriquez at Agustin.

   Kumatok ng tatlong beses si Hermia.

   Bumukas ang pinto at sumalubong sa kanila ang asul na mga mata ng babae.

   “Oh... apo?” Ngumiti sa kaniya ang Dragon, ang lola niya na si Murin.

   “Eh? Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong ni Hermia.

   “Pasok kayo,” aya ng babae nasa likod ni Murin. Si Lilith.

   Pumasok sila Hermia. Pina-upo sila, binigyan ng tsaa.

   “Salamat,” pasalamat nila Hermia at sabay-sabay na uminom ng tsaa.

   Napapikit silang tatlo ng mariin habang lumulunok ng tsaa.

   ‘Sobrang pangit ng lasa! Pwe!’

   Narinig nilang tumatawa sa isang gilid si Lilith.

   Napansin iyon ni Murin na parang napipilitan lang sila Hermia na uminom at narinig niya rin ang mahinang pagtawa ni Lilith kaya hinampas niya ito sa braso.

   “Lilith, umayos ka nga!” pagsuway ni Murin kay Lilith.

   Mabilis na tumakbo si Lilith sa kusina at bumalik na may dalang ibang tsaa na matino.

   Inabutan niya sila Hermia. Nag-aalanganin pa sila na baka mas malala ang binigay sa kanilang tsaa muli ni Lilith.

   “Paumanhin, sige na. Matino na iyan,” malumay na salita ni Murin sa tatlo.

   Ngumiti at tumango-tango si Lilith sa kanilang tatlo.

   Kahit na nag-aalinlangan silang tatlo ay ininum na nila sa wakas at hindi na ito pangit na lasa, masarap na tsaa na.

   Sarap na sarap sina Agustin at Enriquez habang si Hermia ay napapa-ubo pa.

   ‘Ang tamis! Ayoko ng sobrang tamis!’ reklamo ni Hermia sa utak niya.

   Napansin niyang pinapanood siya nina Lilith at Murin, ngumiti siya rito at nagsalita, “Maraming salamat sa tsaa, sobrang sarap.”

   Dahil doon, lumiwanag ang mukha nina Lilith at Murin sa kumplemento ni Hermia.

   “Nanggugulo ang mga pangkat na galing sa Pershia?” tanong ng babae. Si Harper.

   “Heh, huwag kang mag-alala Lola Amari, tutulong kami sa iyo na mapa-alis ang mga ungas na iyon,” salita naman ng lalaki. Si Parker.

HermiaWhere stories live. Discover now