Kabanata 86: Ang Kuwento (16)

86 14 0
                                    

   “Hindi! Huwag!”

   ‘Hmm?! Bakit nandito ang dalawang bata?! Sumunod ba sila sa akin na pasikreto?!’

   Napa-upo si Hermia sa sahig. Paraming dugo ang tumutula sa dibdib niyang tinusok niya.

   ‘Kaya nga ako lumayo para hindi makita ng mga bata! Masama ito!’

   Nanlalabo ang buong paningin ni Hermia.

   “Marami pang paraan!” mangiyak-ngiyak na salita nina Eli at Teresa.

   “Napakabobo mo talaga!”

   ‘Sinabihan na naman nila akong bobo, sa tingin ko nga bobo talaga ako, hahaha.’

   Dumilim na ang buong paningin ni Hermia.

   “Ate Hermia!” Iyak na sigaw nina Eli at Teresa.

   ‘Hmm?’

   Kahit na naglalabo na ang mga mata ni Hermia ay napapansin niyang nag-iiba ang anyo ng dalawa.

   ‘Nag-aanyong tao na ba sila?’

   May dumating na kalapati kaya mabilis na kinuha iyon ni Alejandro.

   Tinawag niya sina Erik at Johan.

   Binasa nila ang sulat sa pag-aakalang tugon ito ni Hermia.

   <Si Hermia! Patay na si Hermia! Sabi ko na may kakaiba sa kaniya, eh! Nagpakamatay siya! May iniwan siyang sulat sa tabi ng higaan ko at ang nakasulat “Hero, natatakot akong ayoko ng umalis sa kuwentong The Hero's Sacrifice, buhay dito si mama. Ayokong manirahan sa hindi namang totoong mundo. Nasa loob lang tayo ng kuwentong ginawa ng may-akda. Ilusyon lamang ito.”

   Nakita siya nina Eli at Teresa! Mabilis na tinawag nila ako! Pakiusap, magtungo na kayo rito!>

   “Ha...”

   Malamig na napabuntong hininga si Alejandro.

   ‘Heto ang pinag-aalala ko noong binanggit niya na kailangang mamatay ng mga kontrabida.’

HermiaWhere stories live. Discover now