Kabanata 7: Nakaraan (7)

1.4K 54 0
                                    

   Hinanap ko si mama sa sampung mga babaeng nandito.

   Nang nahanap ko na si mama ay napangiti ako.

   Naglakad ako palapit sa kaniya pero napahinto ako dahil may isang taong naunahan akong lumapit kay mama.

   “Binibining Heroine! Nagagalak akong makilala ka!”

   Nabigla si mama nang hinawakan pa ang dalawa niyang kamay.

   “Matagal na kitang gustong makita Binibining Heroine!”

   Nabigla muli si mama nang hinawakan naman ang mala rosas na buhok niya.

   “Woah... totoo nga ang sabi nila! Mala rosas nga ang iyong mga buhok!”

   Manghang-mangha ang babaeng iyon.

   Nakikita ko sa mga mala rosas na mata ni mama na hindi siya komportable sa pinag-gagawa ng babae.

   “Nakikita ko ngang malapit sa isa't isa ang dahon at rosas!”

   “Oo nga, ano!”

   “Ang galing mo!”

   Singit ng ilang mga babae.

   Komplimento ba iyon o insulto?

   Tinitigan ko ang babaeng nakadikit kay mama.

   Grace Villin.

   Ang babaeng sa pang-labas ay dalisay at inosente pero kapag dating sa pangka-looban ay may tinatagong masamang intensyon.

   Pero kung tinitigan lang nila ng mabuti ang mga matang berde ni binibining Grace, makikita nila kung gaano kasinungaling ang babaeng iyon. Napakagaling niya.

   “Dahon at rosas?” Napa hawak sa bibig si Binibining Grace dahil sa tuwa at gulat.

   Tumawa ang mga babae.

   “Mm! Ngayon magka-tabi kayo ni Binibining Heroine ay pakiramdam ko ay nakatingin ako sa rosas!” singit ng isang babae.

   Ah, dahon ay berde at ayon ang kulay ng mata at buhok ni binibining Grace. Habang ang rosas ay si mama dahil sa buhok at mata.

   Nagsi-ayunan ang mga babae sa isang babaeng nagsalita.

   “Iyon nga lang...” Napa singkit ang mga mata ng babaeng nagsalita kanina habang nakatingin kina mama at binibining Grace.

   “Rosas ang laging napapansin kaysa sa dahon dahil mas kapansin-pansin ang rosas, Hindi ba? At maraming may mas gusto ang rosas kaysa sa dahon sa tuwing pumupunta ako sa hardin.”

   Tuloy na sabi ng babae habang may ngiti sa labi niya.

   Nawala ang ngiti sa mukha ni Binibing Grace at hindi na talaga mukhang komportable si mama sa sitwasyon. Tumahimik din ang mga babaeng nandidito sa loob ng kuwarto.

   Napa suklay ng buhok ang babaeng nagsabi ng mga iyon. Mala araw ang buhok at ginto naman ang mga mata niya.

   “Hmm?” Napansin niyang napatahimik ang lahat dahil sa mga sunod na pinag-sasabi niya kanina.

   “Ah...” Nagtitigan sila ni Binibining Grace at bigla niya lang napag-tanto ang mga nasabi niya.

   “Ha-hahaha! Paumanhin kung naging magaspang ang aking mga dila... alam niyo naman ang kumakalat na kuwento na ganito ang aking dila. Paumanhin talaga Binibining Grace at Binibining Heroine.” Tumingin siya kay Binibining Grace ng malumanay na tingin pero ang mga gilid ng labi niya ay tumataas.

   Pinipigilan niya bang ngumiti?

   Bakit parang mas malala pa itong babaeng ito kaysa kay Binibining Grace?

HermiaWhere stories live. Discover now