Kabanata 5: Nakaraan (5)

1.7K 55 0
                                    

   Inalalayan ni mama si papa hanggang sa matapos na ang piging.

   Heto ang unang pagkikita nila. Mukha namang ayos sila sa isa't isa, pero noong pinanganak ako...

   Anong nangyari?

   “Maraming salamat ulit, Binibining Heroine.”

   Tumingin ako kay papa na mukhang ayos na.

   “Walang anuman.” Tumango si mama at ngumiti ng malumay.

   Tinignan ko silang dalawa nang mabuti.

   Mukha silang nasa kabataan nila. Kahit na alam kong nasa nakaraan ako ay hindi pa rin ako makapaniwala.

   Para ko lang silang kasing edaran.

   Labing limang taong gulang na ako ngayon.

   Ilang taon na kaya sina mama at papa rito?

   “Ah... mukhang tapos na nga talaga ang piging. Kung ganoon...”  Tumayo si mama at nagbigay galang kay papa. “Nagagalak akong makilala ka, mahal na prinsipe. Sana ay pagpalain ka ng may kapal.”

   Tumango si papa sa kaniya.

   Tumayo rin si Papa. “Nagagalak din akong makilala ka, Binibining Heroine.”

   Ngumiti sila sa isa't isa na nagbigay sa akin nang lungkot at saya.

HermiaWhere stories live. Discover now