Kabanata 20: Alejandro (3)

671 27 1
                                    

   “Sumunod ka pa rin sa akin, wala ka pang matutuluyan, hindi ba?”

   ‘Puwede ko siyang magamit para sa kaharian.’

   ‘Wala rin naman akong masamang kutob na nararamdaman sa kaniya. Mabait siya, pero nakakatakot siya.’

   Medyo napa-atras si Hermia nang masayang lumingon sa kaniya si Alejandro.

   “Maraming salamat!”

   ‘Kahit na mukha siyang mabait ay may nararamdaman pa rin akong nakakatakot na awra na nagmumula sa lalaking ito.’

   ‘Anong katangian niya? Hindi, sino ba talaga siya?’

   “Huu... Sumunod ka ulit sa akin.”

   Nagsimula na muli silang maglakad papunta sa palasyo.

   Kaya malapit lang ang Gubat ng Kamatayan sa palasyo ay dahil binabantayan ito. Delikado ang gubat para sa mga tao kaya mahigpit na hindi pinapapunta ang mga tao rito.

   Sa katunayan kapag may nagbalak na pumunta sa Gubat ng Kamatayan ay makukulong dahil baka kapag pumasok ang isang tao at tumakbo pabalik ay baka mabaliw ang mga halimaw at sumunod. Baka lumabas ang mga halimaw sa lungga nito.

   ‘Ha... napaka labag sa batas ang ginawa ko... at isa pa akong prinsesa. Tsk, tsk.’

   Napagtanto ni Hermia na iligal ang ginawa niyang pagpasok sa Gubat ng Kamatayan.

   ‘Wala namang makaka alam.’

   Dahan-dahan ngumisi si Hermia.

   “Asikasuhin niyong mabuti siya,” utos ni Hermia sa mga katulong at tinuro niya pa si Alejandro.

   ‘Sila na ang bahala kay Alejandro. Matutulog muna ako at may ipapagawa ako kay Alejandro dahil hindi libre ang pagtulong ko sa kaniya.’

   Iniwan na ni Hermia si Alejandro sa mga katulong na inasikaso na agad ang utos.

   “Sumunod po kayo sa akin,” magalang na salita ng isang katulong na lalaki.

   Pinanood muna ni Alejandro si Hermia na maglaho bago sumunod sa katulong.

   “Huu...”

   Hindi maiwasang bumuntong hininga ni Hermia.

   ‘Nagkataon lang ba na namatay si mama noong pagkagising ko?’

   Humiga si Hermia sa malambot na kama.

   Tumulala muna siya bago makatulog.

   “Hmm?”

   May pagtataka sa mata ni Hermia nang makita niya si Hero na palakaibigan na nakikipag-usap kay Alejandro.

   “Hahaha! Naamoy kong malakas kang tao pareng Alejandro!”

   Nahihiyang ngumiti si Alejandro kay Hero.

   Tumawa lalo nang malakas si Hero at nabitawan niya pa ang alak na hawak niya. Nabasag ito sa sahig. Napakagat na lang ang mga labi ng mga katulong. Alam nilang marami silang lilinisin dahil sa kalat na ginagawa ni Hero.

   “Hero.”

   Lumingon si Hero sa direksyon ni Hermia at kumunot ang noo ni Hero.

   “Huh? Sino ka? Kilala ba kita?”

   Napasinghap ang mga katulong dahil sa tanong ni Hero.

   ‘Noong mga bata pa ang prinsipe at prinsesa simula noong huli nilang kita.’

   Ayon na lang ang tumatakbo sa isipan ng mga katulong.

   “Hermia, ang kakambal mo.”

   Ngumiti pa si Hermia kaya parang nakaramdam ng saya at lungkot ang mga katulong dahil kailangan pang magpakilala ni Hermia sa kakambal niya.

   “Ah! Ikaw pala Hermia! Hindi kita namukaan dahil sobrang bata natin simula noong huling kita natin.” Lumapit si Hero sa kakambal niya at niyakap.

   ‘Tsk, nakokonsensya pa ako dahil lagi kong nakakalimutan na may kakambal ako. Samantalang hetong lalaking ito ay hindi na ako kilala.’

   Naamoy ni Hermia ang alak kay Hero.

   “Bakit ka nagdala ng nakakatakot na tao?”

   Nanginginig pa ang mga boses ni Hero nang binulong niya iyon kay Hermia.

   “Naramdaman mo rin?”

   Medyo natatawa pa si Hermia.

   “Naamoy ko.”

   Humiwalay na sila ng yakap.

   “Alejandro, sumunod ka sa akin. Hero, bahala ka na.”

   Kailangan kausapin ni Hermia si Alejandro.

   Tinignan siya ng kakambal na nagtatanong na tingin na parang tinatanong na—

   ‘Plano mong kausapin ang nakakatakot na tao?’

   Ngumiti si Hermia kay Hero.

   ‘Marami siyang maiitulong at magagamit ng mabuti.’

   “Ha!” Kinuha ni Hero sa kamay ng isang katulong ang bote ng alak at lumagok.

   Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa utak ni Hermia. Wala siyang alam ni-isa kay Hermia dahil nagkahiwalay agad sila noong mga limang taong gulang sila kaya wala sila ngayong alam sa isa't isa.

   ‘Anong plano niya?’

   Pinanood niyang maglaho sina Hermia at Alejandro sa pasilyo.

   “Bakit kailangan nating mag-usap na tayong dalawa lang?” nagtatakang tanong ni Alejandro kay Hermia.

   Nasa loob sila ng personal na silid aralan ni Hermia. Magkatapat silang naka upo.

   “Kailangan mong magbayad. Hindi libre ang pagtulong ko sa iyo.”

   Diretso na sa punto si Hermia.

   “Tama! Hindi lahat ng bagay ay libre! Plano rin kitang kausapin para magbayad!”

   Sobrang sigla ni Alejandro lalo na't naka kain siya ng maayos at malinis na ang suot niyang damit.

   ‘Nakakatakot nga siya pero mukhang napaka-inosente niya.’

   Lalong ngumisi si Hermia.

   “Ang magiging bayad mo ay gusto kong pumunta ka sa Kaharian ng Alenua.” May nilapag na malaking mapa si Hermia sa lamesa.

   “Gusto kong hanapin mo ang nagngangalang Dinah Rosales.”

   Tumagilid ang ulo ni Alejandro dahil sa pagtataka habang nakatingin sa mapa.

   ‘Ah... Ilang taon ba siyang tumira sa Gubat ng Kamatayan?’

   “Hindi ka ba marunong magbasa ng mapa?” tanong ni Hermia.

   “Napag-aralan ko sa school–marunong ako. Naiintindihan ko ang mapa.”

   Tumango at nakuntento si Hermia sa sinagot ni Alejandro.

   ‘Hindi normal talaga ang mundo na ito. Kung may mga kahariaan, ibig sabihin ay may mga hari, reyna, prinsipe, at prinsesa. Presidente lang ang meron sa mundong pinagmulan ko.’

   Narinig ni Hermia ang pagkamangha ni Alejandro. Akala niya ay dahil sa mapa pero dahil sa iniisip ni Alejandro.

  

  

HermiaWhere stories live. Discover now