Kabanata 49: Enriquez Belmonte (2)

158 15 3
                                    

   “Anong plano mo?” tanong agad ni Hero kay Hermia nang pagka-uwi pa lang sa Bundok ng Kagandahan.

   “Magpaplano pa lang,” simpleng sagot ni Hermia.

   Nagsisinungaling si Hermia. May plano siya, pero hindi kasama ang lahat sa plano niya.

   ‘Ang dadalhin ko lang ay sina Eli at Teresa.’

   “Sige.” Umalis na sa tabi ni Hermia si Hero.

   Lumapit si Hero kila Alejandro.

   “Eli, Teresa,” tawag ni Hermia sa dalawang bata.

   Pumunta sa bisig ni Hermia ang pusa, si Teresa. Habang si Eli ay pumalibot sa leeg ni Hermia.

   Nakaramdam ng pagkatayo ng mga balahibo si Hermia.

   ‘Ang dalawang batang ito... ay mas malakas pa kaysa sa akin.’

   Natawa na lang si Hermia at nagsalita.

   “Kayong dalawa lang ang isasama ko. Mahilig si Enriquez sa mga maliliit na hayop.”

   ‘laging mabait at malambot ang puso ni Enriquez sa mga mahihinang nilalang. Kaya sa kuwento ay lagi siyang nakikipaglaro at binibigyan ng mga pagkain ang nakita niyang isang pusa at ahas, si Eli at Teresa.’

   ‘Napakabuting tao, ayan tuloy kinuha agad siya ng maaga.’

   Lumapit si Hermia kila Alejandro.

   “Mauna na kami.”

   Napatigil sa pag-iinom ng alak si Hero, tumigil din sa pag-eensayo sina Erik, Johan, Alejandro, at Jet.

   “May plano ka na agad?!” gulat na tanong ni Hero kay Hermia.

   Tumango si Hermia at nagsalita.

   “Mhm, kaming tatlo lang ang tutungo kay Enriquez.”

   Nakaramdam ng pagkasabik sina Eli at Teresa.

   “Hindi puwede, delikado,” nag-aalalang salita at hindi payag naman ni Alejandro.

   Tumingin si Hermia ng pagtataka kay Alejandro.

   “Delikado? Hindi delikadong tao si Enriquez, hindi ba? Kaya anong delikado?”

   Napakamot sa batok si Alejandro.

   Alam niyang mabuting tao si Enriquez dahil sa nabasa niya sa The Hero's Sacrifice.

   “Magiging maayos ba ang lahat?” tanong din ni Hero.

   “Oo.”

   “Pero...”

   Napatingin ang lahat kay Erik dahil sa sasabihin nito.

   “Bakit gusto mong kayong tatlo lang?” pagtutuloy nito.

   Tahimik ang lahat, hinihintay nila ang tugon ni Hermia.

   “Kailangan niyong magpalakas kaya rito muna kayo para mag-ensayo. Alam mo na, maraming mga mangyayari sa hinaharap lalo na at nagpakita na ang may-akda ng The Hero's Sacrifice. Sa tingin niyo ay titigil ang may-akda?”

   “Ang may-akda?!”

   Hindi na nagulat si Hermia sa reaksyon ng lahat.

   Tumingin ang lahat kay Hermia ng maraming tanong at humihingi ng paliwanag.

   “Noong nakikipaglaban kayo sa mga misteryosong tao ay may humigit sa akin papalayo doon at ang taong humigit sa akin ay ang may-akda ng The Hero's Sacrifice. Ah, sigurado akong siya ang pinuno ng mga misteryosong tao at ang misteryosong salamangkero, halatang-halata naman.”

   Napatulala ang lahat at napatahimik.

   Pumalakpak si Hermia para basagin ang katahimikan.

   “Sa susunod na lang natin aasikasuhin ang bagay na iyon, ang prayoridad muna natin ngayon ay ang iligtas si Enriquez sa kamatayan.”

   “At... magpalakas kayo para sa hinaharap.”

   Ngumiti si Hermia sa lahat.

   “May tiwala kayo sa akin hindi ba?”

   “May tiwala kami sa iyo,” sagot ni Alejandro at ngumiti na rin.

   Ganoon din ang lahat. May tiwala silang lahat kay Hermia. Wala silang pakielam sa kontrabidang Hermia sa libro. Iba ang Hermia sa harapan nila.

  

HermiaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt