Kabanata 67: Ang Pagtitipon (7)

106 11 0
                                    

   May tumatakbong batang kuneho.

   “Kuya Nori! Nagtungo na naman sa atin ang Pangkat ng mga Tigre!”

   Kumunot ang noo ni Nori.

   Mabilis na lumapit siya sa batang kuneho.

   “Bumalik na tayo.”

   “Eh?” Nagtaka ang hitsura ni Ramon.

   ‘ "Nandito na naman ang Pangkat ng mga Tigre?" ’

   Naawa at nasimulang mag-alala si Ramon para sa Pangkat ng mga Kuneho.

   Lagi na lamang pinagtatawanan at mababa ang tingin ng mga ibang pangkat sa Pangkat ng mga Kuneho.

   Sumunod din si Ramon kila Nori dahil nag-aalala siya para rito.

   Nang dumating na sila. Naabutan nila ang Pangkat ng mga Leon at hindi ang Pangkat ng mga Tigre.

   Narinig din nila ang tanong ng babae.

   “Maari ko bang malaman kung nasaan si Nori?”

   “Bakit mo ako hinahanap, Binibini?” nagtatakang tanong ni Nori.

   Lumingon si Hermia.

   “Ah, ikaw ba si Nori?”

   “Sino ka?”

  Hindi ni Hermia sinagot ang tanong ni Nori at tumawa.

   Pagkatapos niyang tumawa, inilahad niya ang kamay niya sa harapan ni Nori.

   “Hermia, nandito ako para tulungan ang Pangkat ng mga Kuneho.”

   “At bakit naman namin kailangan ang tulong mo?” tanong naman sa kaniya ng matandang babae.

   “Oo nga! Dinala mo pa rito ang Pangkat ng mga Leon!”

   “Hindi mo kami mapipilit!”

   “Hindi mo rin kami maloloko!”

   Binaba muna ni Hermia ang kamay at napatingin sa puwesto ng Pangkat ng mga Leon na iniiwasan at hindi nilalapitan ng Pangkat ng mga Kuneho.

   “Hoy, layas,” malamig na utos ni Hermia sa Pangkat ng mga Leon.

   Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napasunod ang Pangkat ng mga Leon.

   Mabilis na umalis ang mga ito.

   Namangha at nagulat ang Pangkat ng mga Kuneho.

   ‘Napa-alis niya ng ganoon-ganoon lang ang Pangkat ng mga Leon!’

   ‘Ha... hindi ko aakalain na aalis talaga sila. Handa na sana akong magtago sa likuran ni Lola at Johan kung aatakihin nila ako,’ Hermia.

   Bumalik ang tingin ni Hermia kay Nori at nakita niya ang kumikinang na mga mata nito, pati rin ang katabi ni Nori na si Ramon ay kumikinang din ang mga mata.

   “Ang galing...” manghang salita ng dalawa.

   Napansin na ni Hermia ang katabi ni Nori. ‘Magkasama na pala sila. Magaling, hindi ko na kailangang magtungo sa Pangkat ng mga Asong Lobo.’

   ‘Napakabuting tao! Pinoprotektahan niya ang Pangkat ng mga Kuneho sa nakakatakot na mga leon!’ Ramon.

   ‘Gusto ko ring katakutan ako at malakas ang karisma!’ Nori.

   Biglang may napagtanto si Hermia.

   ‘Si Nori at Ramon ay iniidolo ako sa The Hero's Sacrifice. Sila ang alagad ko sa pagiging kontrabida. Ang papel nila sa kuwento ang maging sunod-sunuran.’

   Matamis na ngumiti si Hermia sa dalawa.

   ‘Napaka may pakinabang.’
  

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon