Kabanata 32: The Hero's Sacrifice (2)

265 15 0
                                    

   Seryosong bumalik si Hermia.

   Pagkapasok pa lang niya sa bahay ni Dinah ay nilapitan niya si Alejandro.

   “Hermia, anong nangyari sa iyo? Bakit umaga ka ng bumalik?” tanong agad sa kaniya ni Hero.

   Hindi pinansin ni Hermia si Hero. Napansin naman ni Hero na nakatitig lang si Hermia kay Alejandro.

   ‘Alejandro Bonilla. Hindi siya galing sa mundo na ito. Kaya pala kakaiba ang hitsura niya. Hindi siya isang Dragon.’

   “Alejandro.” Inabot ni Hermia kay Alejandro ang libro.

   “The Hero's Sacrifice...”

   Nagulat si Alejandro dahil English ang bagay na binigay sa kaniya ni Hermia.

   ‘Lahat ng libro nakikita ko rito ay Filipino, kaya... bakit may title na English?’

   Umalis si Hermia. Dala-dala pa rin ni Hermia ang sulat ni Heroine.

   Binuksan ni Alejandro ang libro. Pumalibot sa kaniya sina Hero, Erik, Eli, Teresa, at Johan dahil gusto rin nilang malaman ang inabot ni Hermia na libro kay Alejandro.

   Nasa kuwarto lang si Hermia, nakatunganga.

   ‘Nabasa na kaya nila?’

   《The Hero's Sacrifice.

   Umabot ng dalawang taon para makalabas si Alejandro sa Gubat ng Kamatayan simula noong huling pagkikita ni Alejandro at Hermia sa kuwento. Ang babaeng hindi siya tinulungan at sinipa pa siya.

   Unang naging kasama at kaibigan ni Alejandro ay si Hero. Sumunod ang matandang katulong, si Johan, at panghuli ay sina Erik, Eli, Teresa.

   Naging bida silang anim sa kuwentong 《The Hero's Sacrifice.》

   Laging kontra si Hermia sa anim.

   Ang pinaka plano talaga ni Hermia ay patayin ang kambal, si Hero dahil malaking banta si Hero sa trono.

   Na-inis si Hermia dahil tinutulungan ni Alejandro si Hero. Kaya dinamay na rin niya ang plano na patayin din si Alejandro sa listahan. Nalaman din ni Hermia na may isang espiya sa palasyo, si Johan. Hanggang sa umabot na rin kina Erik at sa dalawang bata. Lahat sila ay nakalista sa papatayin ni Hermia.

   Pakiramdam ni Hermia ay humahadlang sila sa sarili niyang kasakiman.

   Namatay si Grace sa kuwento dahil pinipigilan niya ang dating hari at ang kanang kamay nito na lasunin ang utak ni Hermia. Dahil doon pinapatay siya.

   Hindi natuloy ang plano ng dating hari at ang kanang kamay nito na ipapatay si Heroine dahil laging nagbabantay si Liam kay Heroine. Kaya ang ginawa na lang ng dalawa ay sa apo na lang nila gagawin ang planong pagkontrol.

   Sila ang nag-alaga kay Hermia. Lagi nilang pinapamukha kay Hermia na mas pabor ang lahat na maging Hari si Hero ng Thelanisus.

   Lumaki si Hermia na may inggit kay Hero. Sa tingin niya ay malaking banta si Hero sa kaniya.

   Napapansin niya rin na mas malaya at masaya pa si Hero kaysa sa kaniya.

   “Hindi patas. Maduga,” Hermia.

   “Bakit gusto nilang maging hari ang katulad ni Hero? Nababaliw na ba sila?! Puro inom lang ang ginagawa ng lalaking iyan! Habang ako? Ha! Nakakulong lang ako sa silid aralan ko, hindi ba maduga iyon? Hindi patas!” Hermia.

   Dahil sa ka-inggitan na nararamdaman ni Hermia ay natuwa ang dating hari at ang kanang kamay nito.

   “Huwag kang mag-alala, apo. Susuportahan ka namin hanggang sa maka-upo ka sa trono,” Ang dating hari.

HermiaWhere stories live. Discover now