Kabanata 12: Nakaraan (12)

1.1K 32 0
                                    

   Isang linggo nang nanonood si Hermia sa mga nangyayari sa nakaraan. Hanggang nood lang ang nagagawa niya dahil sa tuwing hahawakan niya ang mga tao dito ay bigla-bigla na lang mag-iiba ang lugar, oras, araw, at senaryo.

   ‘Ano na kayang nangyari noong nahulog ako sa hagdan? Nandoon pa kaya ang katawan ko o nawala dahil nandito ako?’ tanong ni Hermia sa sarili habang naka-upo at nakalutang sa ere.

   Nasa kuwarto siya nina Heroine at Grace. Hinihintay niyang gumising ang mama niya at ang nanay-nanayan niya.

‘Ang galing din dahil hindi ako nakakaramdam ng pagka-antok at pagka-gutom. Ang pakiramdam ko lang ay pagka-buhay at maraming enerhiya. Dahil hindi ako inaantok, gumagala-gala ako. Minsan ay hinahawakan ko ang mga tao dito para bumilis na agad ang oras.’

   Tumulala si Hermia sa kawalan.

   Hinawakan naman niya ang mahabang buhok na mala kalangitan ang kulay at pinaglaruan.

Nakuha niya ang kulay ng buhok niya sa papa niya, habang ang kulay ng mata niya ay sa mama niya.

   Kahit na magkakambal sina Hero at Hermia ay marami silang pinagka-iba kapag dating sa hitsuta.

   Si Hero naman ay nakuha niya ang lahat sa mama niya kaya ang daming nagsasabi na siya ang lalaking bersyon ng mama niya. Habang si Hermia ay kalahati sa mama at papa niya.

   “Hmm... ”

   Napatingin si Hermia kay Grace na gumigising na.

   “Gising ka na ba? Gusto ko ng malaman kung ano bang nangyari sa inyo ni mama. Sayang ang pagka-kaibigan niyo ni mama kung dahil lang sa isang lalaki ay mag-aaway kayo,” wika ni Hermia at sabay singhal dahil sa dismaya.

   Pero syempre, walang nakarinig sa mga pinag-sasabi niya dahil para lang siyang multo.

“Heroine, gumising ka na.”

   Marahan tinapik ni Grace si Heroine.

   “Hmm...? Ah... umaga na.”

   Gumising na rin si Heroine at sabay silang napa-upo.

   “Magandang umaga.”

   “Magandang umaga rin sa iyo, Grace.”

   Hindi na nila kailangan maging pormal sa isa't isa dahil naging malapit at komportable na sina Heroine at Grace sa isa't isa sa pagsasama nila ng isang linggo.

   Ginawa lahat ni Grace para maging malapit at komportable sa kaniya si Heroine.

   Pinanood iyon ni Hermia kung paano iyon ginawa ni Grace at habang pinapanood niya iyon ay nakakaramdam siya ng dismaya at lungkot, para sa nanay-nanayan at mama niya.

   ‘Naririnig ko sa mga katulong noong mga bata ako na si mama raw at si Binibining Grace ay magka-away dahil kay papa at para na rin sa bakante ng pagiging reyna.’

   Bumuntong hininga na lang si Hermia.

   Tahimik na naka-upo ang mga babae. Hinihintay nila si Maestra Elliot.

   Pinag-aaralan nila kung ano ang mga ginagawa ng isang reyna, asal ng isang babae at etiketa.

   Naka upo habang naka lutang si Hermia, pinag-mamasdan niya ang mga babae.

   Lahat ng babaeng nandito ay kilala niya dahil kailangan niyang malaman ang mga babaeng naging kandidato noong nag-aaral siya.

   ‘Lahat ng babae rito, maliban na lamang kay Binibining Grace ay may asawa at anak na.’

   ‘Nakaka usap ko pa nga ang mga anak nila dahil hindi naman lalayo ang mga edad naming lahat.’

   ‘Halata ring hindi nila masyadong sineseryoso ang labanan para maging reyna, ewan ko na nga lang kina mama at Binibining Grace.’

   Narinig nila ang pintong dahan-dahan bumukas. Natuon ang atensyon ng lahat sa mga taong pumasok.

   “Ah!”

   “Oh, oh!”

   “Gasp!”

   Lumiwanag ang mukha ng ilang mga babae.

   “Magandang umaga mahal na prinsipe!”

   “Nagagalak akong makita kayo, mahal na Prinsipe.”

   Nakatayo sa harapan ng mga babae ang lalaking mala kalangitan ang buhok at mala apoy ang kulay ng mga mata.

   Simple lang ang suot ng prinsipe pero malakas ang dating niya dahil sa hitsura.

   “Nagagalak din akong makilala kayong lahat, ako nga pala si Liam Basilio.”

   Nagbigay galang ang prinsipe na si Liam.

   Napasinghot at buntong hininga si Hermia dahil hindi niya gustong nandito ang papa niya.

   Nagtama ang mga mata nina Liam at Heroine kaya ngumiti sila sa isa't isa. Napansin iyon ni Grace at napakunot ng noo.

   Napansin din ni Hermia ang nangyayari dahil sa reaksyon ng tatlo.

   ‘Kaibigan na kita... naabot na kita... kaya, bakit ganoon?’ May sakit sa matang tinignan ni Grace si Heroine at Liam. Tumalim ang pagtitig niya kay Heroine na parang may kinuha sa kaniya na dapat sa kaniya.

   ‘Matagal na akong may gusto sa kaniya! Mabilis akong mainggit at selos! Ayoko ng ganitong pakiramdam!’

   Napayuko na lamang si Grace at tumitig na lang sa mga kamay niya na nakakuyom.

   “Ha...”

   Bumuntong hininga na may halong tawa si Hermia dahil sa nasasaksihan niya.

   ‘Nagsisimula na siyang magselos kay Mama dahil kay Papa. Nakaka pang hinayang. Sobrang ganda na siguro ng pagka-kaibigan nina Mama at Binibining Grace kung hindi nga lang siya nainggit at nagselos kay Mama.’

   “Ha-haha...”

   Napatawa na lamang si Hermia sa hindi pagkagusto sa mga nangyayari.

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon