Kabanata 1: Nakaraan (1)

3.7K 104 1
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


“Prinsesa Hermia! Mahal na prinsesa!”

   Hindi ko sila pinansin at patuloy pa rin ang pagtakbo ko.

   Napa-ngiti ako nang may makita akong mahabang buhok, paalon ito at berde. Nakatalikod sa akin ang magandang babae.

   “Mama Grace!” Lumingon ito sa akin at lumiwanag ang mukha niya. Binuksan niya ang kaniyang mga bisig. Kaya nang tuluyan na akong nakalapit sa kaniya ay yumakap ako.

   “Tumakbo ka nang nakayapak at pantulog?”

   “Opo, ”sagot ko.

   “Ha...! Bakit naman?! Tumakbo ka rin sa mga naninilbihan, ano?” Tumango ako habang yakap-yakap ko pa rin siya.

   “Binibining Grace! Ang prinsesa ay tumakbo na namang-”

   Pinutol sila ni Mama Grace.

   “Ayos lamang iyon, huwag niyong sasabihin ito kay kamahalan dahil baka mas lalong magagalit siya sa akin...”

   May lungkot sa tono ng boses niya nang binanggit niya si Papa.

   “Binibining Grace...”

   Sabay-sabay namin siyang tinignan nang may lungkot na tingin.

   Humiwalay na ako ng yakap at hinawakan ko naman ang kamay niya.

   “Isang bagay lang ang hindi ko maintindihan sa Hari at iyon, iyong hindi niya nakikita ang kahalagahan niyo Binibining Grace,” wika ng isang naninilbihan na sinang-ayunan namin.

   “K-kung hindi lang siguro ginawa iyon ni Binibining Heroine, hindi magkaka-ganoon ang Hari,” wika pa ng isang naninilbihan na sinang-ayunan na naman namin.

   Nagtataka ako kung bakit iba ang pakiki-tungo ni papa kay Mama Grace. Kung bakit lagi siyang galit kay Mama Grace sa tuwing nagkikita sila na halos gusto na ni papang patayin si Mama Grace. Bakit?

   At bakit nagawa iyon ni Binibining Heroine o ang totoo kong ina kay Papa?

   Gusto kong malaman.

   Tumingin ako kay Mama Grace para magsalita, pero, napatigil ako dahil mukhang ang sama ng eskpresyon ng mukha niya, habang nakatingin sa mga katulong na nagsalita kanina.

   Nang tumingin siya sa akin, nag-iba ang ekspresyon niya at ngumiti sa akin nang malumay.

HermiaWhere stories live. Discover now