Kabanata 30: Ang Prinsipe Ng Alenua (1)

328 19 0
                                    

   “Nasaan pala si Erik?” nagtatakang tanong ni Alejandro.

   Tumayo ang balahibo nina Hermia, Hero, at Aragon dahil nakalimutan nilang pangalawa kay Alejandro si Erik. Hindi nila napansin na bigla na lang nawala sa bahay ni Aragon si Erik.

   ‘Galing nga talaga siya sa Pangkat ng mga Ahas. Hindi mo siya mapapansin.’ Hindi ni Hermia alam kung mamangha o matatakot din ba siya kay Erik.

   “May pupuntahan lang daw si Kuya Erik,” sagot ni Eli kay Alejandro.

   Tumango na lang si Alejandro.

   Tahimik ulit ang hapag kainan.

   “Heh, akala mo hindi kita mapapansin?” natatawa at sabik na tanong ni Erik sa lalaki.

   Napangiti ang lalaki.

   “Bata, kailangan mo ng bumalik sa mga kasamahan mo,” may utos sa boses nito.

   “Bakit naman?”

   “Magtataka sila kung bakit wala ka doon. Gusto mo bang mag-alala sa iyo ang mga kapatid at kaibigan mo?”

   ‘Kapatid... kaibigan.’

   “Bakit ka sumusunod sa amin?” Iniba ni Erik ang usapan.

   “At bakit noong una ay hindi kita naramdaman?” sunod na tanong pa ni Erik.

   “Wala ka bang galang sa mas matanda sa iyo? Nakikita mo naman ang puting buhok ko pero hindi ka man lang gumagamit ng "po" at "opo".”

   Tumawa si Erik.

   “Hindi ka naman nagtatanong kaya bakit ko babanggitin ang salitang "opo"? At "po"? Hindi ko nga alam kung anong pakay mo at nakasunod ka sa amin.” Napa iling-iling pa si Erik.

   At nang binalik niya ang tingin niya sa matandang lalaki ay wala na ito sa harapan niya.

   ‘Ano?! Umiling lang ako nakatakas na agad siya! Alam kong hindi siya galing sa Pangkat ng mga Ahas o kaya Pangkat ng mga Pusa! Kaya bakit?!’

   Hindi talaga makapaniwala si Erik.

   Kapag nagkita-kita ang mga iba't ibang mga pangkat at hindi naman sila nakapang hayop na anyo ay malalaman pa rin nila kung saang pangkat galing ito.

   Pero may mga ilan na hindi nila malalaman dahil malakas ito. Kaya maraming desperado at nahuhumaling na magpalakas para hindi malaman kung saang pangkat sila nagmula.

   Kapag naabot na nila ang bagay na hindi malalaman kung saan sila galing na pangkat ay malaya silang makakagalaw.

   “Malapit na tayong makapunta kay Binibining Dinah.”

   May inilapag na mapa si Hermia sa lamesa.

   Tinuro niya ang isang bundok.

   “Dito ang destinasyon natin.”

   Ang pinaka dulo ng Alenua sila pupunta.

   “Mukhang masaya,” komento ni Aragon.

   “Ano nga pa lang pinunta niyo rito sa Alenua?” tanong pa ni Aragon.

   “Para kunin ang katawan ni mama,” simpleng sagot ni Hermia.

   Nagtaka ng ilang segundo si Aragon pero napagtanto na niya agad.

   “Ah...” Hindi alam ni Aragon kung anong sasabihin niya.

   “Kung ganoon.” Tumayo si Hermia sa kinauupuan at kinuha na ang mapang nilatag niya sa lamesa.

HermiaWhere stories live. Discover now