Kabanata 37: Digmaan (4)

199 15 0
                                    

   “Nagustuhan niyo ba ang lugar na ito?” tanong ni Hermia sa libingan ni Heroine.

   Nilipat ang libingan ni Heroine sa mabulaklak na lugar ng hardin. Napapalibutan ang libingan ni Heroine ng mga rosas.

   “Oo naman,” boses babaeng sagot ni Hero kay Hermia.

   May hawak itong alak at tumatawa-tawa pa.

   “Lasing ka na ba? Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag ka munang iinom dahil may digmaan?” iritang tanong ni Hermia kay Hero, pero tinawanan lang siya nito at tumungga pa nang alak.

   “Tara na.”

   Tumungo na sina Hermia at Hero sa pinaka itaas ng palasyo.

   “Hahaha! Ang galing!”

   Hindi maiwasan ni Hermia mamangha at matawa sa nakikita niya.

   Kitang-kita niya at ni Hero ang kabuuan ng mga pinadala ni Everest, ang Reyna ng Hearth. Nagraramihang kawal, kabalyero, salamangkero at salamangkera. Kaya mas lalong namangha pa si Hermia ay dahil sinama pa ang bilang ng mga kawal, kabalyero, salamangkero, at salamangkera ng Thelanisus. Sobrang dami talaga.

   “Sobrang gandang tignan,” mangha at natatawa pang salita ni Hermia.

   Kumunot ang noo ni Hero kay Hermia.

   ‘Ma-utak talaga si Hermia.’

   Hindi alam ni Hero kung matatakot o mamangha siya kay Hermia dahil sa planong ginawa nito.

   Ginamit niya si Everest Dalisay, ang Reyna ng Hearth. Ginamit niya ang emosyon at ang nakaraan nito para masuportahan ang Thelanisus. Salamat sa gabay ng The Hero's Sacrifice.

   ‘Ngayon nakikita ko kung paano ni Hermia nakuha ang suporta ng Hearth, sa tingin ko ay madali niya ring mapaglalaruan ang mga tao sa palad niya. Kontrabida pa rin yata siya ngayon, ang pinagka-iba nga lang ay mabuting kontrabida siya para protektahan ang mga mamamayan ng Thelanisus.’

   Napatango-tango si Hero sa iniisip. Nakita iyon ni Hermia na tumatango-tango si Hero na parang sumasangayon ito sa isang bagay.

   “Anong tinatango-tango mo?” nagtatakang tanong sa kaniya ni Hermia.

   Umiling naman si Hero at lumagok na lang ng alak.

   Ting-ting-ting!!!

   Tumunog na ang mahiwagang alarma ng Thelanisus.

   “Nandito na ang mga gago.” Napa-atras si Hero dahil sa mura ni Hermia.

   Tama, nandito na ang mga Alenua.

   Kasabay nang alarma na iyon ang pagbagsak ng mga panang may apoy.

   “Kalaban!” Sigawan ng mga kawal at kabalyero.

   “Alejandro,” tawag ni Hermia.

   Tumabi agad si Alejandro kay Hermia. Nagulat si Hero dahil hindi niya napansin ang presensya nito.

   “Hindi ba pumapatay ka ng mga halimaw sa Gubat ng Kamatayan?” tanong ni Hermia kay Alejandro, pero ang tingin niya ay sa ibaba.

   Nakatingin siya sa mga kabalyero, kawal, salamangkero, at salamangkera ng mga Alenua. Hinahanap niya ang Prinsipe ng Alenua.

   “Oo,” simpleng sagot ni Alejandro.

   “Nakakapanghinayang nga lang dahil mas malakas pa yata ang mga pinatay mong mga halimaw sa Gubat ng Kamatayan, Alejandro. Ayos lang ba iyon sa iyo?” Ngumiti si Hermia, lumingon at tinaas ni Hermia ang ulo niya para makatingin kay Alejandro.

HermiaWhere stories live. Discover now