Kabanata 14: Nakaraan (14)

855 29 0
                                    

   Nakahigang nakalutang si Hermia sa ere.

   ‘Isang buwan na akong nandito, pero walang interesadong nangyayari. Tsk.’

   Nakakaramdam ng pagkainip si Hermia sa bawat araw ang lumilipas. Kaya ang ginagawa niya ay hinahawakan niya ang mga tao rito para mapabilis ang oras, nagbabaka sakaling may kakaiba o interesadong mangyari.

   Bigla na lang pumasok ang ala-alang binura niya sa isipan niya. Ang komplikadong sitwasyon ng Nanay-nanayan, mama, at papa niya. Napaka-interesado ng bagay na iyon pero ayaw ni Hermia.

   Bumuntong hininga na lang si Hermia at umapak na sa sahig.

   Lumapit siya sa isa sa mga babae. Nag-aaral ang lahat ng tahimik at seryoso dahil nalalapit na ang anunsyo kung sino ang magiging reyna. Binabase ang marka ng mga babaeng kandidato sa mga bawat aralin.

   ‘Hahawakan ko na lang kung sino ang mahawakan ko.’

   Hahawakan na sana ni Hermia ang isang babaeng malapit sa kaniya nang biglang bumukas ang pinto.

   “Maghanda kayo! Paparating na ang Hari at ang kanang kamay ng Hari!”

   Kahit na hingal na hingal na si Dinah dahil sa pagtakbo ay nasabi niya pa rin iyon.

   “Huh? Bakit naman sila mapapa bisita?” may pagtatakang tanong ni Maestra Elliot.

   “Hindi ko rin po alam,” sagot ni Dinah.

   Klik.

   Narinig nila ang tunog ng pagbukas ng pinto kaya napa ayos ang lahat.

   Bumilis ang tibok ng puso ng lahat sa kaba.

   Nang tuluyan na ngang naka pasok ang dalawang tao ay naging maingat na ang bawat paghinga ng lahat.

   “Kumusta na ang lahat?” kaswal na tanong ng Hari.

   “Kung may kailangan at problema kayo ay puwede kayong lumapit sa akin.”

   Medyo nakahinga ang lahat dahil naramdaman ng lahat ang pagmamalasakit ng Hari. Maliban na lamang kay Grace na seryosong nakatingin sa kanang kamay ng Hari.

   ‘Bakit sila nandito?’

   Hindi masaya si Grace na nandito ang papa niya.

   “Hindi ba ama po kayo ni Binibining Grace?”

   Biglang tanong ni Dinah.

   Sumagot si Logan Villin, ang kanang kamay ng Hari at ang ama ni Grace, “Oo, may ginawa bang mali o tama ang anak ko sa pag-aaral niya?”

   “Ah, walang ginawang mali si Grace. Ang totoo niyan ay sobrang dami niyang ginawang tama,” sagot ni Maestra Elliot.

   “Hmm.” Kontentong napangiti ang Hari at ang papa ni Grace.

   “Tunay nga talagang maraming maiitulong at maraming tamang magagawa si Binibining Grace sa hinaharap ng Kahariam ng Thelanisus,” masayang komento ng Hari habang kontentong nakangiti.

   ‘Kaya lang ba bumisita ang kamahalan ay para lang kay Binibining Grace at hindi sa lahat?’ Maestra Elliot.

   ‘Oh... may naamoy akong paboritismo, hehe!’ Dinah.

   Nagsisimula ng mahalata ng lahat ang salitang ‘paboritismo’.

   Pilit inaayos ni Grace ang tindig ng ekspresyon niya pero hindi niya maiwasang mainis.

   “Kung ganoon, mauna na kami.”

   Umalis na ang dalawa.

   Tahimik lang ang lahat.

   Sinira ni Maestra Elliot ang katahimikan.

   “Magsimula ulit tayo.”

   At nagsimula na naman silang mag-aral.

   Nasa loob ng personal na opisina si Hermia ng Hari.

   Nagkaron siya ng interesado sa Hari, ang lolo niya na hindi niya naabutan.

   Sumunod siya sa Hari at ang kanang kamay nito.

   ‘Paham Basilio...’

   Banggit ni Hermia sa Lolo niya.

   ‘Hindi ko siya naabutan noong pinanganak ako. Namatay siya sa hindi maipaliwanag na bagay.’

   Nagtratrabaho lang ang Hari at ang kanang kamay nito kanina pa.

   Tanging tunog ng papel at tunog ng pagsusulat lang ang maririnig sa loob ng kuwarto.

   ‘Ngayon pinapanood ko ang lolo kong gawin ang tungkulin ng pagiging Hari, naalala ko tuloy si papa.’

   Tumayo na ang Hari.

   “Logan, mauna na ako,” paalam ng Hari.

   “Sige, kamahalan.”

   Susunod pa sana si Hermia sa Lolo niya ng may pumasok na pamilyar na tao.

   ‘Binibining Grace?’

   “Bakit ka nandito?” tanong ni Logan, ang ama ni Grace.

   Hindi man lang niya binigyan nang tingin ang anak niya at nakatutok lang siya sa ginagawa niya.

   “May gusto po akong sabihin,” madiin na salita ni Grace.

   Tumayo si Logan sa kinauupuan.

   Lumipat siya ng upuan sa sopa. Tinuro niya ang kaharap na sopa, napaggigitnaan ang lamesa.

   Hindi umupo si Grace.

   “Mabilis lang ang sasabihin ko...”

   Tumango si Logan sa anak.

   “Papa...”

   “Wala akong planong maging Reyna.”

   Mahina iyon sinabi ni Grace pero sapat na iyon marinig dahil tahimik ang paligid nila.

   “...Ano?”

   “Papa! Ayokong maging Reyna! Pakiusap, ipatanggal niyo po ako sa mga kandidato! Ayokong maging asawa ng mahal na prinsipe! Hindi ko siya gusto! May gusto po akong—”

   Bago pa matapos ni Grace ang sasabihin niya ay malakas dumapo sa mukha niya ang kamay ng ama niya.

   Dahil sa pagsampal ng ama niya ay napa-upo siya sa sahig.

   Nakatayo na sa harapan niya ang Papa niya.

   ‘Tarantado! Napaka gago!’ Lulusubin sana ni Hermia si Logan pero bigla niyang naalala na kapag humawak siya ay mag-iiba ang lahat.

   Pumikit ng mariin si Hermia para pakalmahin ang sarili at nang iminulat na niya ang mata niya ay bumuntong hininga siya.

   “Kahit kailan, wala kang ginawang tama. Katulad ka rin ng ina mo,” malamig na sabi ni Logan kay Grace na kinasanayan na ang malamig niyang boses.

   “Ha...”

Buntong hininga ni Grace na may halong tawa. Napahawak siya sa pisnging sinampal ni logan.

   “Hindi ka talaga marunong sumunod! Nakakadiring bata! Akala mo hindi ko alam na may pagtingin ka sa babaeng nagngangalang Heroine! Nakakahiya ka!”

   Napataas na ang boses ni Logan at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa naka-upong si Grace dahil sa malakas na sampal.

   Inis na umayos nang tayo ni Grace at tumakbo paalis.

   “Ha! Ikaw!” Tinuro ni Hermia si Logan.

   “Sa hinaharap ay patay ka! Mamatay ka rin at hindi na ako makapaghintay sa araw ng kamatayan mo!”

   Hindi siya naririnig ni Logan.

   ‘Sabay ang kamatayan niya at ni Lolo. Huh? Kung ganoon... pareho rin sila siguro ng kamatayan? Pero... anong kinamatay nila? Walang nakaka-alam. Pero ngayong nandito ako puwede kong malaman.’



HermiaWhere stories live. Discover now