Kabanata 65: Ang Pagtitipon (5)

103 14 0
                                    

   Nilibot ni Hermia ang mata sa paligid.

   “Sa pinakatagong lugar naninirahan ang Pangkat ng mga Kuneho, kaya kailangan natin magtungo sa tagong lugar ng gubat.”

   Lumapit si Hermia kay Amari.

   “Si Lola at Johan ang kasama ko, bahala na kayong magrupo.”

   “Ah, magkita-kita tayo rito kapag alam niyo na kung saan ang lungga ng Pangkat ng mga Kuneho at Asong Lobo.”

   Tumango ang lahat kay Hermia bago maghiwalay-hiwalay.

   Magkasamang naghanap sina Alejandro, Mago, at Erik.

   Habang si Hero naman ay kasama niya si Jet dahil walang may gustong sumama kay Jet.

   “Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo,” salita ni Amari kay Hermia.

   Napangisi si Hermia.

   “Nagtataka rin ako,” tugon ni Hermia.

   ‘Si Nori, magaling siyang mag-imbento ng mga bagay, si Ramon naman, magaling siyang magprotekta. Malakas ang lalaki na iyon. Pero mas malakas pa rin si Alejandro.’

   Thug!

   Thug!

   Thug!

   May narinig sila Hermia na parang may sinisirang bagay.

   Naalarmahan silang tatlo.

   “Ugh! Nakakainis! Bakit natin kailangan sumunod sa mga maliit na bersyon ng mga Tigre?!”

   “Kumalma ka.”

   “Paano ako kakalma?! Ang pangkat natin ang naghahari sa gubat, pero ano ito?! Nang dahil lang natalo tayo susunod tayo sa sasabihin nila?!”

   “Ha, sa tingin mo ba gusto rin namin ang sitwasyon na ito?”

   Nakita at narinig nila Hermia ang Pangkat ng mga Leon.

   Pinaghahampas ng isa gamit ang buong katawang leon ang mga puno at malalaking bato, kaya sobrang ingay.

   “Ang Pangkat ng mga Leon...” usal ni Hermia.

   “Anong gagawin natin?” tanong ni Amari.

   “Huwag tayong magpakita, mukhang masama ang araw nila. Baka madamay tayo sa sama ng loob nila,” tugon ni Hermia sa tanong.

   Ayaw ni Hermia magkaroon ng koneksyon sa ibang pangkat. Ang Pangkat ng mga Kuneho at Asong Lobo lang ang gusto niyang kumuneksyon. Iyon lang talaga.

   Suminghot ang isa sa Pangkat ng mga Leon.

   “May naamoy akong mabango.”

   Suminghot din ang lahat.

   May naamoy silang mabango.

   Mabilis tumakbo ang Pangkat ng mga Leon at sinundan ang naamoy nilang mabangong amoy.

   Sa bawat sunod nila sa amoy, pabango nang pabango ito.

   Hanggang sa tumigil sila sa harapan nila Hermia.

   “Anong—?!” gulat na usal ni Hermia.

   Mabilis naghanda si Johan at Amari sa oras na atakihin sila ng Pangkat ng mga Leon.

   “Eh, mga mababang nilalang—? Huh?”

   Napatigil ang Pangkat ng mga Leon nang makita nila si Amari.

   Unang tingin lang nila rito ay alam na nila kung anong nilalang ito.

   “Dragon.”

   Napakagat ng labi ang isa.

   ‘Tsk! Ano na naman ito?! Kailangan ba naming yumuko sa Dragon?!’

   Pasikretong ngumisi si Amari, pinaramdam niyang mas mataas siya kaysa sa mga ito. Ayaw ng mga Dragon na minamaliit sila. Kung papipiliin ang mga Dragon sa dalawa, ang mamaliitin o mangmamaliit. Ang pipiliin nila ang mangmamaliit.

   Napatingin naman silang lahat kay Johan.

   Sa hindi maipaliwanag na pakiramdam ay parang mas mataas na nilalang si Johan sa kanila.

   Matamis na ngumiti si Johan sa kanila, pero ang mga mata nito ay walang emosyon.

   ‘Anong pangkat galing ang matandang ito? Bakit pakiramdam ko ay hindi siya normal na tao?’

   Tumingin naman sila kay Hermia sa pag-aakalang normal na tao lang ito, pero nabigo sila.

   Nanggagaling ang mabangong amoy kay Hermia.

   ‘Sigurado akong magugustuhan ng mga bampira ang dugo ng babaeng iyon.’

   Umatras ang mga Leon at nag-anyong tao.

   Lumapit ang pinuno at binati sila Hermia, “Magandang araw!”

   Sumunod ang lahat ng Leon sa pagbati ng pinuno.

   “Magandang araw!”

   “Nagagalak kaming makita kayo!”

   ‘Ang galing naman, kanina lang ay parang nakahanap sila ng biktima, mukhang alam nilang malakas sina Lola at Johan,’ Hermia.
 

  

  

  

HermiaWhere stories live. Discover now