Kabanata 74: Ang Kuwento (4)

95 12 0
                                    

   Maraming napapatingin kay Hermia sa pasilyo.

   Mabilis ang paglalakad niya.

   Huminto siya sa kuwarto ni Hero.

   Mabilis niyang binuksan ito at pumasok. Naabutan niya si Hero na mahimbing na natutulog.

   Kumunot ang noo ni Hermia.

   “Bakit sobrang dumi rito?”

   “M-mahal na prinsesa! Nakikiusap kami!”

   May mga pumasok na kawal at kabalyero, hinarangan si Hermia makalapit sa mahimbing na natutulog na si Hero.

   Nagtaka si Hermia.

   ‘Hindi nakakasunod ang utak ko sa mga nangyayari.’

   May mga pumasok na katulong din at nilapitan si Hermia.

   “Mahal na prinsesa, hinahanap na po kayo ng dating hari.”

   Napasuklay si Hermia sa sariling mahabang buhok.

   “Magtungo na tayo sa sinasabi niyong dating hari,” malamig na tugon niya sa mga katulong.

   “Sumunod po kayo sa akin.”

   Sumunod si Hermia sa mga katulong.

   Sa bawat nadadaanan niyang mga nagtratrabaho sa palasyo, napapansin niyang umiiwas ang mga ito sa kaniya. Hindi makatingin ang mga ito sa kaniya.

   ‘Pamilyar ang bagay na ito... para bang nabasa ko na ang eksena na ito.’

   “Nandito na po tayo.”

   Huminto sila sa isang kuwarto.

   Binuksan nang mga katulong ang malaking pinto ng kuwarto.

   Bumungad kay Hermia ang isang tao.

   “Apo, nabalitaan kong nilusob mo ang kuwarto ni Hero? Na-iinis ka ba dahil maraming pumapabor sa kakambal mo? Huwag kang mag-alala, susuportahan kita at gagawin kitang Reyna ng Thelanisus,”

   “Ang kailangan mo lang gawin ay tulakin ang taong aagaw sa upuan mo.”

   Ngumiti pa ito sa kaniya.

   Natawa na lamang si Hermia.

   “Ha-haha...”

   ‘Bakit parang nasa loob ako ng kuwento? Ang kuwentong The Hero's Sacrifice.’

  

  

HermiaOnde histórias criam vida. Descubra agora