Kabanata 85: Ang Kuwento (15)

82 14 0
                                    

   May dumapong kalapati sa balikat ni Hermia.

   Nasa labas si Hermia ng bahay ni Dinah. Hindi, sobrang layo niya sa bahay ni Dinah.

   Dahan-dahan niyang kinuha ang sulat, mabilis niyang pina-alis ang kalapati.

   Binasa niya ang sulat na galing kila Alejandro.

   <Hermia,

   Nanghihina na ang dating hari at ang kanang kamay nito. Kahit na nagpatawag ng mga banal na pari sa kabilang kaharian at mga doktor ay wala pa rin nakakahanap kung bakit nanghihina ang dalawa. May kumakalat na rin na mamamatay na ang dalawa dahil sa katandaan.>

   Napangiti si Hermia sa nabasa niya.

   ‘Ang nakamamatay na gayumang ginawa ni Lola Amari ay aabutin ng isang buwan hanggang sa mamatay na ang tao. Para hindi maghinala ang mga tao kung bakit mabilis namatay ang tao at walang maghihinala na nilason ito.’

   ‘Hindi ko alam kung ilang araw na kami nandito sa loob ng kuwento pero... isa rin ako sa kontrabida, kaya kailangan ko ring mamatay dahil ayon naman ang laging nangyayari sa mga katapusan ng mga kontrabida. Totoo naman na mamamatay ako sa kuwento, eh. Papabilisin natin para tapos na agad ang kuwento.’

   ‘Nagsinungaling ako sa kanila. Para makalabas talaga kami sa kuwento ay kailangan kong mamatay. Kahit na hindi na mamatay ang dating hari at ang kanang kamay, basta ako, ang kontranbidang dapat talagang mamatay. Gusto ko lang talagang mamatay ang dalawang matanda na iyon.’

   Dahan-dahan may kinuha si Hermia sa palda niyang may malalim na bulsa.

   Isang patalim.

   ‘Ayos na ang lahat, mamamatay na ang dalawang iyon. Napaghanda ko na rin si mama at pinayuhan kung paano makakaligtas sa mga gawa ng mga kalikasan.’

   ‘Ang Hermia sa kuwento ay pinatay ang sarili, walang pumatay sa kaniya. Siya ang pumatay sa sarili. Pagkatapos mamatay ni Hermia ay nagwawakas na ang The Hero's Sacrifice dahil nawala na ang kontrabida. Kaya kapag namatay ako ay tapos na ang lahat at makakabalik na kami.’

   Pumikit si Hermia at dahan-dahan wawakasin ang buhay.

   ‘Natatakot akong mamatay, pero anong magagawa ko? Mararanasan ko lang naman mamatay at makakabalik na kami. Natatakot akong ayoko ng umalis dito.’

HermiaWhere stories live. Discover now