Kabanata 89: Davino (2)

86 11 0
                                    

   ‘Sobrang dilim, anong nangyari? Patay na ba talaga ako? Akala ko makakabalik na ako kapag namatay ako? O mali ang pag-aakala ko na kapag namatay ang kontrabida ay tapos na at makakabalik na? Ganoon ang mga kuwento, kapag namatay na ang kontrabida ay tapos na, wakas na.’

   Puro kadiliman lang ang nakikita ni Hermia. Wala siyang nakikita, walang pakiramdam, wala lang ang lahat.

   ‘Nasa impyerno ba ako? Bakit walang mga apoy? Niloloko niyo ba ako?’

   Nasira ang katahimikan nang may dalawang nagsalita.

   “Whahaha! Ang dating Diyos ay desperada na sa atensyon!”

   'Sinong—?!'

   “Ah, marami kang katanungan tungkol sa may-akda kuno?”

   'Huwag niyong sabihin na kausap ko naman ang Diyos ng Kamatayan?!'

   “Whahaha! Desperada na talaga siya!”

   Tumawa na naman ang Diyos ng Kamatayan.

   “Kawawang nilalang,” komento naman ng babae.

   “Sino ba ang tinutukoy niyo?” nayayamot na tanong ni Hermia.

   “Ang may-akda!” sabay na sagot ng babae at lalaki.

   “Ang may-akda?”

   “Oo, ang may-akda o puwede nating tawaging ang dating Diyos ng Kapalaran.”

   Nagsimulang maraming katanungan si Hermia.

   “Hindi na siya diyos ngayon? Bakit?”

   “Mahilig siyang manggulo sa kapalaran ng tao. Imbes na tulungan niya ay ginugulo niya pa. Kaya ayon, pinarusahan siya ng Diyos ng Pangkalahatan,” dismayadong paliwanag nito.

   “Ang parusang hinatol sa kaniya ay ang maging taong kapag namatay ay mabubuhay ulit,” singit naman ng babae, ang Diyosa ng Buhay.

   “Kaya lang gusto na lamang niyang maglaho.”

   “Kung wala ng Diyos ng Kapalaran, sinong nagpapatakbo ng kapalaran ng mga nilalang?”

   “Pftt! Matagal nang hinayan na mismong tao na ang gumawa ng sarili nilang kapalaran! Iyon nga lang, kalikasan na rin kasi ng mga tao ang maging tamad kaya mahihirapan silang kontrolin ang kapalaran nila at saka laging may problema at pagsubok din kaya mahirap talaga. Kaya nga laging may maraming desisyon ang mga nilalang. Sadyang mapaglaro at malakas ang tama ng Diyos ng Kapalaran kaya niya laging ginugulo ang kapalaran ng tao, tsk, tsk. Dahil sa ginawa niyang paglabag, ayan naparusahan siya,” natatawang tugon ng Diyosa ng Buhay.

   “Ang parusa niya ang maging tao?”

   “Oo, kapag namatay siya ay mabubuhay ulit siya.”

   “Puwedeng pernamentong patayin niyo na siya, para mapanatag ang loob ko,” pakiusap ni Hermia.

   “Puwede, kaya ka nga nandito para tuluyan na talagang mawala rito ang dating Diyos.”

   “Anong gagawin ko?”

   “Handa ka na ba?”

   ‘Huh?’

   ‘Ah, putangina! Ano na naman ba ito?!’

HermiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon