Kabanata 19: Alejandro (2)

781 35 0
                                    

   “Ako si Hermia.”

   Inilahad ni Hermia ang kamay niya sa harapan ni Alejandro.

   Masayang tinanggap ni Alejandro ang kamay niya.

   Bumitaw na sila ng kamay sa isa't isa.

   “Nagtataka ako, takot ba sa iyo ang mga halimaw?” usyosong tanong ni Hermia kay Alejandro.

   “Hindi sila sa akin takot dati, pero noong marami akong napatay na mga halimaw ay naamoy nila iyon kaya bigla na lang sila nagkaron ng takot sa akin.”

   “Huu...” Hindi siya makapaniwala sa lalaking nahihiya pa habang sinasabi iyon.

   ‘Sinasabi sa akin ng kutob ko na malakas ang nasa harapan kong lalaki. Ngayon ko lang naramdaman ang nakakatakot na awra at presensya.’

   Medyo umatras si Hermia kaya nagtaka si Alejandro.

   ‘Isa ba siyang dragon?’

   ‘Tumakbo na kaya ako? Mas nakakatakot pa ang lalaking ito kaysa sa mga halimaw.’

   “Hermia?” Kumunot ang noo ni Hermia dahil kaswal siyang tinawag ng lalaki.

   “Hmm?”

   “Alam mo ba ang labasan dito?”

   Tumango siya bilang sagot at nagtaka siya nang makita niyang lalong sumaya ang ekspresyon ng mukha ng lalaki.

   “Sa wakas, makakasinag na rin ako ng araw.”

   Lalong nagtaka ang mukha niya sa lalaki.

   “Matanong ko lang... taga rito ka ba talaga? Kakaiba ang iyong itsura. Wala pa akong nakitang itim na kulay na buhok at mata.”

   Sa mundo na ito ay walang taong may itim na kulay ang buhok at mata. Ang karaniwang kulay dito ay kayumanggi at iba pang mga kulay.

   “Galing ako sa malayong lugar.” Ngumiti si Alejandro ng malungkot.

   “Mukhang desperado kang maka-alis sa lugar na ito, hindi ba? Ginoong Alejandro.”

   Tumango si Alejandro.

   “Sumunod ka sa akin.”

   Nagsimula na si Hermia maglakad at nakasunod sa kaniya si Alejandro.

   Sa bawat nadadaanan nila ay tumatakbo ang mga halimaw. Gusto rin makitakbo ni Hermia sa mga halimaw dahil alam niyang nakakatakot talaga ang lalaking nakasunod sa likod niya.

   Walang nagbalak magsalita sa kanilang dalawa.

   ‘Marami akong gustong itanong sa lalaking ito. Pero baka magsisi lang ako sa malalaman ko at baka sa sobrang takot ko ay bumigay pa ang mga tuhod ko.’

   Saglit hinawakan ni Hermia ang mga tuhod niya.

   “May problema ba?” nag-aalalang tanong sa kaniya ni Alejandro.

   “Wala.”

   Narinig ni Hermia ang mahinang pagkamangha ni Alejandro nang makita ang liwanang. Malapit na silang makalabas sa Gubat ng Kamatayan.

   “Woah...!”

   Nalagpasan at inunahan ni Alejandro si Hermia na makalabas.

   “Parang ilang taon na simula noong makakita muli ako ng liwanag!”

   Sobrang saya talaga ni Alejandro dahil parang ilang taon siyang nakakulong sa Gubat ng Kamatayan ay sa wakas, mararamdaman na ulit niya ang pakiramdam nang normal na tao.

   ‘Hindi ko alam kung anong oras na, kung gabi na ba o umaga na noong nasa loob lang ako nang gubat na iyon. Sa wakas, nakalabas na rin ako. Hindi ko mabilang kung ilang taon na akong nakakulong doon. Noong bigla na lang akong nagising, nandito na ako sa hindi pamilyar na mundo. Naka suot pa rin ako ng uniform galing sa school nang magising ako sa mundo na ito,’ Alejandro.

HermiaWhere stories live. Discover now