Kabanata 23: Ang Mga Misteryosong Tao (2)

440 23 0
                                    

   Nakarating na sina Hermia at Alejandro sa Siyudad ng Czyrah.

   Tumambad sa kanila ang mga taong naka-itim na damit at nakamaskara.

   May mga hawak itong mga patalim at pana. Nilalagyan nila ang mga pana ng apoy at hinahagis nila iyon sa kalangitan.

   Takot na takot ang mga mamamayan na lumabas ng bahay.

   “Hermia, puwede ko ba silang lusubin—”

   Pinutol na ni Hermia ang sasabihin ni Alejandro.

   “Gawin mo kung anong gusto mong gawin.”

   ‘Bakit kailangan mo pang humingi sa akin ng permiso?’

   Nilusob ni Alejandro ang mga taong misteryoso. Ganoon din ang ginawa ni Hermia.

   Kamay lang ang gamit nina Alejandro at Hermia.

   ‘Bigyan ko kaya siya ng espada?’

   Napansin ni Hermia na gamit lang din ni Alejandro ay kamay.

   Hindi mahilig sa mga patalim at armas si Hermia dahil magaling siya pagdating sa mga parte ng katawan ng tao. Alam niya kung saan mas masakit tamaan ang tao gamit lamang ang kamay.

   Marami na silang napatumba.

   Ginagamit na rin ni Alejandro ang mga patalim na nabibitawan ng mga misteryosong tao.

   “Alejandro! Huwag mo muna silang tuluyang patayin! Patulugin mo lang sila!”

   Tumango si Alejandro kay Hermia.

   ‘Nakakatakot na tao. Kung hindi ko sinabi sa kaniya ay baka tuluyan na nga niya talagang patayin ang iba. Kailangan naming makakuha ng impormasyon sa mga tao na iyan, kung bakit nila nilusob ang payapang siyudad at anong pakay nila.’

   Binali ni Hermia ang mga buto ng mga misteryosong tao habang si Alejandro ay ganoon din kaso nga lang ay gumagamit din siya ng mga patalim na nahuhulog sa sahig.

   “Hermia!”

   Napalingon si Hermia sa tumawag sa kaniya at nakita niya ang papa niya na dumating na kasama ang mga kawal at kabalyero. Nakasakay silang lahat sa kabayo.

   “Nakakatakot,” mahinang wika ni Hero na dumating na rin. Hindi niya tinutukoy ang mga taong nakadamit na itim, kung hindi ay ang lalaking nagpatumba sa kanila, si Alejandro.

   “Hulihin niyo sila at ikulong. Siguraduhin niyong walang makakatakas,” utos ni Liam.

   “Masusunod, kamahalan!”

   Nilapitan ng mga kabalyero at kawal ang mga taong nasa sahig. Humihinga pa ang lahat pero kitang-kita nila ang mga sugat, bugbug sarado, at mga baling buto.

   ‘Mukhang habang buhay na silang hindi makakalakad.’

   Ayon ang iisang iniisip ng mga kawal at kabalyero.

   Nakakulong na ang mga grupo ng mga taong naka-itim na damit at maskara.

   Tinanggal na ang mga maskara nila. Normal lang ang mga hitsura nila at walang espesyal.

   Kaya nga lang may isang problema.

   “Kamahalan, ang mga misteryosong tao ay nagpakamatay na lang bigla-bigla sa harapan namin at tumatawa pa sila na parang nasisiraan sila ng ulo. Hindi namin alam na may mga patalim pa rin pala silang tinatago.”

   Kumunot ang noo ni Liam dahil sa pinaalam sa kaniya ng isang kawal.

   “Baliw ba sila? Ha... may nakuha ba kayo kahit na maliliit na impormasyon?”

   Dismayadong umiling ang kawal.

   Pagkatapos noon, nagpadala ng mga kabalyero at mga kawal si Liam sa bawat siyudad. Kinausap niya pa ang mga pinuno o nagpapatakbo ng mga teritoryo na higpitan ang pagbabantay para hindi na muling maulit ang pangyayari.

   “Papa, gusto kong ako ang personal na kumuha sa katawan ni mama.”

   Nakatayo si Hermia sa harapan ni Liam. Nasa personal na opisina ng hari si Hermia.

   Maraming mga tambak na papeles ang nasa lamesa ni Liam. Naka-upo roon si Liam.

   “Sige, pero kailangan mong magdala ng mga malalakas na kawal at kabalyero.”

   Hindi sumangayon si Hermia.

   “Dalawang tao lang ang isasama ko. Ayokong makakuha ng atensyon pagpunta ko sa Kaharian ng Alenua. Hindi ako magpapakilala bilang prinsesa sa kaharian na iyon dahil magiging abala lang kapag nalaman nila na may bisitang prinsesa. Malalaman iyon ng Prinsipe ng Alenua at anong mangyayari? Magpapapiging siya para salubungin ang prinsesa? Kahit na nandoon ako para kunin ang katawan ng mama ko.”

   Napatango at sumangayon si Liam sa anak.

   “Alam kong isasama mo si Hero pero sino ang isa?”

   Alam ni Liam na isasama ni Hermia ay si Alejandro pero gusto niyang magmula iyon sa anak niya.

   “Si Alejandro. Nakita niyo naman po ba ang katawan ng mga taong lumusob sa Siyudad ng Czyrah? Halos si Alejandro ang may gawa noon.”

   ‘Pero mas marami akong nasirang mga buto,’ Hermia.

   Tuluyan na ngang sumangayon si Liam sa anak.

  

HermiaWhere stories live. Discover now