Tahimik na pinanood ni Jack ang paglabas ng kapatid. Kuya Izaak has been "supportive" since his relationship with Blair started over again. Ngunit sa palagay niya'y may tinatago pa rin itong "disapproval" kay Blair. Ayaw lang nitong isatinig dahil ayaw siguro siyang masaktan. Iyon ang pagkakaiba ng dalawa niyang kapatid. Raqi was vocal while Kuya Izaak was low key against Blair.

Sure, they understood. They sympathize with what Blair had gone through. Lalo na sa nangyaring abortion... But still, Jack's siblings would have preferred him to forgive Blair but without building another romantic tie with her.

Bumuga ng hangin si Jack. His parents were the only ones who never said anything against Blair and their relationship.

Sinuot niya na ang salamin pagkatapos ayusin ang buhok. Looking at his reflection at the mirror, he's not sure if he did it right. Naglagay na lang siya ng isang sachet ng hair wax sa bulsa at kinuha na ang coat niya.

Sa kotse, nakapuwesto na si Raqi sa likod kasama ang Mommy nila. Habang ang Daddy nila ay nasa harap at ang magmamaneho papunta sa simbahan.

"Get in," aya ni Kuya Izaak na nasa harap din katabi ng kanilang ama.

Tumabi si Jack sa ina at sinara ang pinto ng kotse.

"Ang guwapo naman ng anak ko," puri sa kanya ng Mommy niya. Inamoy pa nito ang balikat niya. "You smell so good, too, anak! Bakit parang mas ikaw pa ang mukhang groom kaysa sa Kuya mo?"

"Mabango din ako, Mommy!" apela ni Kuya Izaak.

"Of course, darling. Of course. Mas mukha lang nag-extra effort 'tong si JJ."

"Naghanda para magpabola kay Blair." Umiikot ang mga matang saad ni Raqi.

"Raqi," magkasabay na saway ng Daddy at Mommy nila dito.

"As if I'm lying!"

"Hija, that's not a nice thing to say—"

"Mom, it's alright," pigil ni Jack sa ina na sasawayin sana si Raqi. Mas mabuti nang malabas ng bunsong kapatid niya ang angst nito habang sila-sila lang kaysa ang sumabog pa ito mamaya sa kasal.

"Let's focus on Izaak," singit ng Daddy nila. Nakikiramdam. "This is your big brother's big day. Let's be happy and all pray for him. Huwag tayong mag-isip ng iba. Ang Kuya Izaak niyo ang bida ngayon."

"Oo nga. Kaya dapat ako ang mas mabango kaysa kay JJ, Mommy."

Their mother giggled. "Hay nako, Gavril Izaak Valleroso! Nagpapasalamat ako at problema ka na ng asawa mo pagkatapos ng araw na 'to."

Everyone laughed except for Raqi who kept a poker-face. Jack quietly sighed. Pagdating sa simbahan ay nandoon na ang kamag-anak ng mga ikakasal. Agad silang sinalubong ng mga pinsang bumiyahe pa ng malayo mula sa Monte Amor. Mukhang na-distract na si Raqi kasama ang mga pinsan nilang babae dahil nakita niyang tumatawa na ito.

Everyone's busy and the church is almost full. Sa dami ng tao ay pasimpleng nilinga ni Jack ang paligid.

In a room full of people, he would always find her.

And Jack did. Nakatalikod mula sa kanya si Blair suot ang isang off-shoulder long gown. It's all gold and shimmering—part of the wedding's theme which is white, black, and gold.

Mataktikang lumayo siya sa mga pinsan na hindi napapansin bago lumapit kay Blair. Mag-isang nakaupo ito sa pinaka-likod at dulong espasyo ng simbahan.

Blair must have felt Jack's presence, too. Dahil malayo pa lang siya ay lumingon na ito. Their eyes met and she smiled.

"Hello, there," nakangiti niyang bati rito. His hand found its way to her waist and gently pulled her to him.

Good Riddance (DS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon